ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dingdong talks about Karylle's kissing scene


Nauna nang nagbigay ng kanyang reaction si Dingdong Dantes nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pagsasama nila ng Kapamilya star na si Angelica Panganiban sa pag-e-endorse ng local shoe brand na Mario D'boro. Hindi naman itinanggi ni Dingdong na na-starstruck siya kay Angelica sa una nilang pagkikita noong pictorial. Kung magkakaroon daw ng chance na humantong sa mas malaking project gaya ng pelikula ang team-up nila, isang bagay yun na ikatutuwa niya. "Well, siyempre bakit naman hindi, di ba? Kung mabibigyan ng opportunity na magkasama kami ni Angelica, hindi lamang sa pag-e-endorse ng isang produkto tulad nga ng Mario D'boro, sa palagay ko isang magandang opportunity yun para sa akin na magkaroon din ng chance na makatrabaho sa movie ang isang Kapamilya star at magaling na aktres na katulad nga ni Angelica." Ito ang pahayag ni Dingdong launching nila ni Angelica bilang celebrity endorsers ng Mario D'boro noong June 26 ng gabi sa Annabel's restaurant, Tomas Morato, Quezon City. CONSISTENT TOPRATER. Dahil consistent toprater ang pinagbibidahang fantaserye nina Dingdong at Marian Rivera, ang Dyesebel, isang bagay raw ito na nakapagpapasaya sa kanilang lahat sa set. Okey rin kay Dingdong ang mga kaganapan ngayon sa kanilang fantaserye. "Ngayon na kasi yung medyo romantic moment. Pero ang mangyayari diyan, mapuputol ‘yan dahil siyempre nandiyan na ang conflict. Kung kailan nagkakagusto na ako sa kanya [Dyesebel], nandiyan na yung ilalayo na kami sa isa't isa. Pero siyempre, mas maganda at mas exciting ngayon," lahad ni Dingdong. Ang alam daw ni Dingdong, hindi na raw aabot hanggang late this year ang Dyesebel nang tanungin namin siya kung hanggang kailan ito mapapanood. SUPERHERO ROLE. Nagbiro naman si Dingdong nang tanungin siya ng PEP kung may next project na siya pagkatapos ng Dyesebel. "Meron...ano yata, e, Batman 3!" at saka siya natawa. Dahil sa biro niya, naalala tuloy ng PEP na isa sa mga role na gustung-gusto niyang gawin ay ang maging superhero. Hindi niya itinatanggi na hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang kagustuhan niya na gumanap ng mga ganitong klaseng role. "Hindi mawawala yun, it's my childhood dream," sabi niya. "Pero ako naman, hindi naman ako yung magsasabi na ganito ang gusto kong gawin. I believe na kung para sa akin ang isang role, para sa akin talaga yun. "And besides kasi, hindi ko rin naman alam kung babagay pa ba sa akin yung ganoong role. Ngayon kasi, parang mas maganda ang lumalabas na doon tayo sa romantic lead, romantic male. So, ayoko namang sirain." SPECIAL TEAM-UP. We also asked Dong kung posible kayang magtambal sila ulit ni Marian for the third time pagkatapos ng Dyesebel. "Posible...posible!" sagot niya. "Baka may posibilidad na hindi, pero may possibility rin na kami pa rin pala. Like itong Dyesebel, hindi ko naman ito inaasahan. Ang alam ko, iba ang ka-partner niya ro'n. ‘Tapos nagkaroon ng chance na maging kami. Anything is possible naman. Pero siyempre, depende rin naman ‘yan sa tao kung gusto pa ba nila." Hindi naman itinatanggi ni Dingdong na special para sa kanya ang naging team-up nila ni Marian. If ever time will come that it has to end, mas gusto raw niyang mangyari ito na maganda pa rin. "Ako naman kasi, kumbaga, kapag naging memorable ang isang bagay, mas gusto ko na matapos na isang memorable at maganda ang wakas. More than hintayin namin yung time na hindi na tanggap. "Pero ako naman, ever since, naniniwala ako sa tandem namin. I believe na puwede pang dalhin sa ibang paraan. Like a movie... I think a movie would be very, very nice," saad ni Dingdong. KARYLLE'S KISSING SCENE. Kasabay ng presscon ni Dingdong for Mario D'boro kagabi ang press conference ng girlfriend niya si Karylle para sa musical play na West Side Story. Doon ay nalaman na may kissing scene pala si Karylle sa leading man nito na si Christian Bautista. Obvious na nagulat si Dingdong nang kuhanin ng press ang reaction niya tungkol sa bagay na ito. Ayon sa young actor, hindi raw niya alam na merong kissing scene sa Karylle sa naturang musical play. Pero nang may magsabing baka pagsimulan yun ng argument nila ni Karylle, maagap namang sinabi ni Dingdong na okey lang sa kanya ito. "Wala yun, okey lang yun. Unang-una, ako rin naman, ginagawa ko yun [kissing scenes]. So, walang problema," ani Dingdong. Sinigurado pa niya na definitely ay papanoorin niya ang musical play ng girlfriend kapag nagsimula na itong ipalabas. - Philippine Entertainment Portal