ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mat Ranillo III attends daughter Krista's premiere


MANILA, Philippines - Matapos ang ilang araw na hindi pagkikibuan, sinorpresa ni Matt Ranillo III ang anak na si Krista sa premier ng pinagbibidahan nitong movie kung saan naging daring ang role ng dalaga na ikinagalit naman ng kanyang ama. Naging emosyunal si Krista nang makapanayam at hingan ng pahayag ng Chika Minute ng GMA News' 24 Oras tungkol sa effort ng ama na nagtungo pa sa Pampanga upang panoorin ang kanyang pelikula. “Na-touch naman ako kasi he went all the way to Pampanga. I think he will be proud of me kasi quality film naman sya," naluluhang pahayag ni Krista. May topless scene si Krista sa movie na “Paupahan" kung saan kasama nya si Kuya German Moreno na gumanap sa isang gay role. Aminado naman si Matt na hindi niya nagustuhan ang mga lumabas na publisidad ng movie kung saan nagpaseksi ang kanyang dalaga. “Kasi may mga headlines na nababasa na Krista nagwala, Krista nag-ganyan-ganyan, kung ano anong sinasabi. So yun nga siguro ang naka-aafect sa dad ko," ayon kay Krista. Aminado rin si Matt na nagkulang sila ng komunikasyon ng anak dahil abala rin siya sa pagta-taping ng kanyang paglabas sa nangungunang telefantasya ng Kapuso network na “Dyesebel," na pinagbibidahan ni Marian Rivera na itinuturing sexiest Pinay ngayon ayon sa isang men’s magazine. “Affected ako dun kasi hindi ko alam yun mga lumalabas na publicity. And I’m having taping sa Dyesebel so hindi kami nagkikita ng anak ko," wika ng aktor. Ibig bang sabihin nito ay okey na kay Matt na magpa-sexy ang kanyang dalagang anak sa mga movies? “Personally ayoko, syempre anak ko yan. Pero as an actor kailangang mag-grow siya… kailangan lumipad sya… kailangan ng mga ganitong role," pahayag ni Matt. - GMANews.TV