ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Richard Gutierrez undergoes aikido training for Codename: Asero


Mas malakas at magandang pangangatawan hatid ng matitinding training at maaaksyong eksena ang dapat abangan mula sa GMA Primetime King Richard Gutierrez sa pinakabago at pinakahihintay na pagsisimula ng action-packed TV series na Codename: Asero. Bago pa man magsimula ang taping ng Codename: Asero, nag-training na si Richard ng isang martial art style na swak na swak sa bagong karakter niya bilang si Grecko Abesamis sa Codename: Asero at ito ay ang tapondo o mas kilala bilang combat aikido. Ang tapondo ay kino-consider nang Filipino Martial Art (FMA), nang tuluyan na itong humiwalay sa non-violent self-defense principles ng pinagmulan nitong martial art na Japanese aikido. Kung ginagamit ng aikido practitioner ang attacker's momentum at limb joint manipulations to stop an attack, ang tapondo practitioner naman ay nag-e-employ ng mas agresibong combat-effective techniques to stop an attacker. Ayon kay Ralph Roxas, ang fight director/instructor ng Primetime King simula pa noong telefantasyang Mulawin, hangad daw talaga ni Richard ang maghatid at magpakita ng bago sa kanyang teleserye para sa mga sumusuporta sa kanya. Kaya kahit karate brownbelter ang aktor, marunong sa kickboxing, muaythai, at pati na arnis, nag-training pa rin ito ng tapondo sa ilalim ng grupo ni Grand Master Monching Gavileño (founder of tapondo) para makakuha ng bagong movements para sa mga action scenes niya. Idinagdag pa ng fight director na ibang klase ang disiplina at sipag ni Richard dahil kung wala itong training sa aikido, regular ang pag-eensayo nito ng kanyang personal na training tulad ng boxing, weights, at iba pa, kaya mas maganda ngayon ang pangangatawan ng actor. At ang isa pang bago sa Codename: Asero-si Richard na ang nagko-choreograph ng kanyang mga action sequences na mapapanood na simula sa Hulyo 14 at sinu-supervise na lamang ito ng kanyang fight director /instructor. Kasama si Heart Evangelista bilang kanyang leading lady, ‘wag palagpasin ang pinakabagong primetime program ni Richard Gutierrez sa GMA Telebabad-ang Codename: Asero. - Philippine Entertainment Portal