Ehra Madrigal defends sexy pics in men's mags
Masaya si Ehra Madrigal sa pagkakasali niya sa Codename: Asero, ang itinuturing na kauna-unahang sci-fi romantic movie na ginawa para sa primetime TV na magsisimula nang umere sa Monday, July 14, sa GMA Telebabad. Sinabi ni Ehra na mahalaga ang role niya sa seryeng ito na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez at natutuwa siyang muling makasama ang young actor, na anak ng manager ni Ehra na si Annabelle Rama. "Ako si Dayze Tagimoro rito, ako bale ay half-Japanese rito na isang doctor na bio-mechanical engineer. Importante yung role ko dahil technical handler ako rito ni Asero. Kasi, di ba, eventually ay magiging parang half-human, half robot siya? Kaya ako yung nag-operate sa kanya para maging half-robot siya [Richard]," paliwanag ni Ehra sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng naturang Codename: Asero na ginanap last night, July 9, sa AFP Theater. Sinabi rin ni Ehra kung bakit siya proud na mapabilang sa cast ng Codename: Asero. "Actually, hindi ko alam na part ako nito. Kasi while finishing Kamandag, siyempre naririnig mo na rin na pinag-uusapan nila yung Asero, ganyan-ganyan, at naririnig mo kung sino yung nasa cast. After a few days, tumawag sa akin si Tita Annabelle, yung manager ko, at sinabing kasama nga raw ako rito. "So sabi ko ay âWow!' Super okay âyon at happy talaga ako. Kasi I'll be working with Richard again and sobrang komportable na ako working with him e. Pang-ilan na kasi namin itoâfrom Lupin, Kamandag, and this one.'Tapos working with Direk Mark Reyes and Mike Tuviera ay sobrang okay talaga. Then, ang laki-laki pa ng cast, talagang bongga ito, as in malaki talaga at ginastusan ang Asero. Kaya sobrang overwhelming and I'm really proud na kasama ako rito," nakangiting wika ng young sexy actress. Sa Lupin ay nagpa-sexy siya, dito ba sa Asero ay muling magpapakita ng makurba niyang katawan si Ehra? "Actually, mula nang nag-Lupin ako, parang hindi na humiwalay sa akin na kailangang magpa-sexy ako lagi. Not necessarily na kailangang may makikita talaga, pero kadalasan, yung karakter ko ay medyo nag-e-exude pa rin ng sexiness. Like sexy ang mga outfit, ganyan. Pero hindi na katulad dito compared sa Lupin, dahil mga magnanakaw kami, e. So dito, seksing doctor lang siguro, yung tipong may hint ng sexiness lang na hindi talaga kailangan yung maging tulad ng sa Lupin na seksing-seksi talaga. Dahil doon sa Lupin, parang every week yata ay naka-two piece kami doon, di ba?" nakatawang saad pa ng itinanghal na 6th Sexiest Woman ng FHM para sa taong ito. "OBSCENE & PORNOGRAPHIC." Kinuha rin ng PEP ang pananaw ni Ehra sa demanda ni Representative Benny Abante ng 6th District of Manila sa ilang tabloids at men's magazines kabilang na ang FHM, dahil sa pagiging "obscene at pornographic" daw ng mga ito. "For me, yung mga lumalabas sa FHM at iba pang men's magazine sa Philippines, hindi mo siya mako-consider as bastos. Like, kasi âyong iba, ang iniisip lang nila bastos na agad kapag naghubad or mayroong sexy pictures. But if you compare âyong magazines natin sa magazines sa abroad, kahit sa movies na lang, ang daming bawal, hindi ba? I-compare mo yung dito sa atin, malaswa na talaga or grabe talaga yung makikita o âyong ginagawa doon outside ng bansa natin, e." Nag-suggest pa si Ehra na hindi na dapat pagtuunan ng pansin ng mga mambabatas ang mga petty issue na tulad nito, lalo't napakaraming seryosong problema ng bayan na hindi nabibigyan ng pansin. "Kaya para sa akin," ani Ehra, "I don't think na dapat mag-dwell diyan yung mga mambabatas natin, if ever na gusto nilang ipagtanggal âyong mga magazine. Kasi parang ang dami pang ibang issues na mas kailangang pagtuunan ng pansin, e. "Instead of this, parang yung mas seryosong issues sana ang asikasuhin nila. Kasi kumbaga...yung ano bang tawag doon? Adboard yata yun? Mas strict din naman sila, e. At saka para sa akin talaga, wala naman akong nakikitang masama doon. And never naman akong sobrang nag-all out, at saka sobrang alaga naman kasi kami kapag pictorials, e. "At saka feeling ko, mas advance na talaga ngayon ang panahon, yung tipong even kids ay alam na rin naman nila ang mga ganyan. Actually, mas okay nga dahil parang it's a guide para malaman ng mga tao kung ano âyong mga dapat gawin or something," pahayag niya. Pero nakaramdam ba siya na nabastos or na-exploit sa mga ganitong klase ng pictorials? "Definitely not," sagot niya. "Kasi yung pagpapa-pictorial, ito'y not necessarily to exploit girls or parang yung mag-pose ka lang nang sexy para magpakita ka, na puro kabastusan lang. Wala âyon, as in pictures lang ito, e. "And kung mapapansin ninyo, hindi ba before mas maraming bold movies? Ngayon nga, kung mapapansin ninyo, karamihan ng nagpo-pose nang sexy sa mga magazine ay mga model, young stars, yung mga child star before. So dito pa lang, makikita na natin na hindi na talaga ito super-sexy or yung all-out talaga. So I think, wala naman talagang masama doon." - GMANews.TV