Gretchen to Tonyboy's friends: Sana wala nang gatungan
Live na sinagot ng controversial actress na si Gretchen Barretto ang iba pang mga isyung hindi niya nasagot sa taped interview niya sa The Buzz noong Sunday, July 13, sa ABS-CBN. Nilinaw niya ang isyu ng pagpirma niya ng kontrata with ABS-CBN. "Ang usapan talaga namin with ABS-CBN after ng Maalaala Mo Kaya, pag-uusapan ang teleserye. Pero, Boy [Abunda], pagkatapos kong gawin at habang ginagawa ko ang MMK, parang âdi ko kaya yung 24 hours na taping day! "Tingnan ninyo naman ang mga eyebags ko. Mahirap talaga. Pagdating ng mga alas-tres, alas-singko na ng umaga, e, talagang nag-e-emote na kami nina Tonton Gutierrez. Sabi ko, âAno ba itong ginagawa natin sa buhay natin?' Parang pelikula, ang hirap, 24 hours kang nagtatrabaho," pahayag ni Gretchen sa The Buzz host na si Boy Abunda, who also happens to be Gretchen's manager. READY FOR GABBY. Nakunan din ng pahayag si Gretchen sa sinabi ni Gabby Concepcion sa presscon ng Iisa Pa Lamang na madalas na "Gretchen" daw ang tawag nito sa kaparehang si Claudine Barretto, ang kapatid ng aktres. Handa na ba si Gretchen na makatrabaho si Gabby? "If he's ready, I'm ready!" game na sagot ni La Greta. Sa huling interview ni Gretchen sa set ng Maalaala Mo Kaya, ibang-ibang Gretchen ang tumambad sa mga manonood. Ano pang bago at kakaiba ang dapat na abangan sa kanya sa special episode niya sa Maalaala Mo Kaya? "Ah, hindi ninyo mae-expect na si Gretchen umarte. Ang pwede nyo lang talagang asahan sa akin, ang bitbit ko talaga sa set-yung puso ko, yung lahat ng mga naitago ko. Kasi magaling akong magtago ng problema. Alam nyo naman ako, kapag may problema hindi ako nagsasalita, âdi ba? Pero pagdating po sa MMK, inilabas ko lahat ng dapat kong ilabas because that's the healthy way daw to deal with your problems." GOING TO AMERICA. Isa raw ba sa mga pinoproblema niya ay ang pagpili between her career at ang pag-aaral ng kanyang anak na si Dominique sa ibang bansa? "Meron tayong mga obligasyon, âdi ba? Bilang nanay, meron akong obligasyon sa anak ko at gusto ng anak ko na pumunta ng abroad. Gusto niyang mag-aral doon. At kahit mahirap sa akin na iwan ang show business, ang bansang ito, gagawin ko lahat. "Wala akong hindi puwedeng gawin para sa anak ko. Kaya naisip ko talaga dapat nga ngayon, dapat nandun na ako either sa Amerika or sa England. Kasi, namimili siya, e, kung saan siya mag-aaral. Pero salamat sa Diyos, napag-usapan din namin ni Dominique na hindi pa panahon dahil second year high school pa lang siya. Hindi pa rin ako ready pa para mag-araal siya roon," mahabang pahayag pa ni Gretchen. NOT PREGNANT. Kasunod nito ay diretsahang tinanong ni Boy si Gretchen tungkol sa kumakalat na usap-usapan na siya ay buntis. "Alam mo, Boy, I'll never lie. I'll never.... siguro si Ruffa [Gutierrez] na naman ang nagkalat, âno? Ha-ha-ha! âAsan si Ruffa? Ha-ha-ha! Yun ang gusto ko kay Ruffa tahimik na, e," natatawang sabi ni Gretchen tungkol sa kaibigan. "You know, Boy, I've learned my lesson really well. And I know very well that I will never again, never, ever again, get pregnant before the wedding. So, habang wala pang wedding, hindi po ako buntis. âPag nangyari yung wedding? Malalaman natin and I promise to announce. Hindi po ako yung taong magdi-deny, lalo na âpag may buhay akong dinadala." TO TONYBOY'S FRIENDS. May kumakalat din na iba-ibang bersyon tungkol sa estado ng relasyon nila ng live-in partner niya na si Tonyboy Cojuangco. "Ah, ngayon, mas okey na kami ngayon. Ah, you know, Boy, ilang beses ko nang sinabi na ayaw ni Tonyboy na pag-usapan siya. Pero sa rami nga ng naglalabasan, hindi ko na yata maiwasan na hindi magsalita. "Uhm...we are very good friends. We still live in the same house. And, uh, nakakagulo lang naman talaga yung mga tao sa paligid namin. Katulad nung mga kaibigan ni Tony. Ayokong...hindi ho ako galit. Pero nakikiusap ako na, sana, wala nang gatungan." NOT A QUITTER. Ipinaalam daw ni Gretchen kay Tony Boy ang pagbabalik-akting niya sa telebisyon sa Maalaala Mo Kaya. "Yung sinabi ko sa kanya na aalis kami kasi gusto niyang [Domique] mag-aral sa abroad? âTapos sinabi ko na rin na gusto ko rin na magpahinga dahil ang dami-dami nang tsismis, at that time na nagdesisyon ako na mag-Amerika, hindi kami nag-usap ni Tony ng three weeks na. "Uhm, sabi niya sa akin which is sinabi ko last week na, âHindi ka naman quitter, e, bakit ka tatakbo? Bakit mo tatakbuhan ang problema? Harapin mo âyan.' That's what I do best daw and I believe him. Kaya nandito po ako. So, I'm just going to the flow and I'm enjoying it," tapos ni Gretchen. - Philippine Entertainment Portal