JC de Vera wants to talk to broken-hearted ex-GF Pauleen Luna
Nag-aalala raw si JC de Vera para sa dating girlfriend na si Pauleen Luna matapos mapabalita na nakipaghiwalay na siya nobyong si Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian. Maging dahilan kaya ito ng pagbabalikan nina JC at Pauleen? Sa ulat ng Chika Minute portion para sa GMA news 24 Oras nitong Huwebes, sinabi ni JC na may mga nais siyang itanong kay Pauleen sakaling magkita sila. Pero nilinaw ni JC, mapapanood kasama si Rhian Ramos sa susunod na teleserye sa Kapuso Network na âLa Lola," na pag-aalala lamang bilang isang kaibigan ang nararamdaman niya kay Pauleen. âNaging sad lang ako para sa kanya dahil sa nangyari⦠and hindi pa kami nagkakausap," pahayag ng aktor. âSiguro magtatanong lang ako ng few questions pero hindi masyadong personal na mga tanongâ¦ayokong makialam kasi," idinagdag niya. - GMANews.TV