ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Joey de Leon apologizes for 'press people' joke


Comedian-TV host Joey de Leon looked calm and composed after StarTalk showed a VTR about news stories regarding the issue that Eat Bulaga's show in Los Angeels was a flop and a rude-joke issue in which Joey is also involved. On the said video stories, proofs were shown that the special show of Eat Bulaga! in Los Angeles was not a flop contrary to a write-up that came out in a tabloid. The other video showed the president of National Press Club, Benny Antiporda, condemning Joey's joke that was aired in Eat Bulaga's "Ang Joke Mo" segment, where he apparently said: "Wala ‘yan sa lola ko, pumapatay ng press people!" JOKE ABOUT "PRESS" PEOPLE. After the VTR, Joey was interviewed by his co-hosts Butch Francisco and Lolit Solis to air his side about the issues. At the start of the interview, Joey chose to ask for forgiveness first at the people affected by his joke about the press. "Sa ikapapanatag ng lahat," Joey began, "ako'y humihingi ng paumanhin at patawad sa mga nasaktan ko dun sa diumanong binitawan ko na minasama ng ibang sector at ibang tao. I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry. Pero wala ako talaga—gusto kong idiin—na intensiyon sa gusto niyong ibintang. Hindi yun ang ibig kong sabihin. "Alam mo Butch, Lolit," Joey immediately said before anyone can ask questions, "Nangyari ito... Humingi na ako ng patawad, ha, tapos na, gusto ko lang magpaliwanag. Nangyari ito sa ‘Joke-Joke Mo' portion. Alam mo naman kung sino ang kasama ko doon, si Jimmy Santos at si Vic Sotto... Joke yun, e. "Nagkataon naman, puro lolo ang joke namin. Hindi punchline yun, adlib yun. Ang punchline, yung pinakahuli, ‘no. E, di nagdyo-joke kami, payabangan ng lolo. Nagsasawa na itong si Jimmy na tungkol sa lolo, lagi siyang talo, e. Si Jimmy Santos, e. So, sabi niya, ‘Lola na lang, lola!' ‘Tapos nagyabang, ‘Wala kayo sa lola ko!' "Kasi alam mo, ang portion na ‘yon, e, yabangan yun, e. At yun, e, bumabakod dun ang pag-uusap na mula sa kamangha-mangha sa hindi kapani-paniwala hanggang imposible. At biro mo, ang gamit na karakter dito ay ang pinakamahina at pinakamagalang na tao sa ating mag-anak, ‘yan ang lola. Na, hindi ko lubos na maisip kung papaano gagawa ng karahasan, ano? "Anyway, nandoon na. So, lola siya [Jimmy] nang lola. Siguro nga hindi ako magdedenay na ano ako, dahil galing sa isang giyera na tungkol sa mga miyembro ng ano [press]... E, hindi ko alam, baka nadikit lang, ‘no? Ang ibig kong sabihin nun ay ‘Hoy Jimmy, huwag kang presko. Yung lola ko pumapatay ng mga preskong tao.' "Hindi n'yo naman puwedeng sabihin sa akin na, ‘Ayan na naman si Joey, nagpapalusot na naman.' Hindi po, papaano n'yo malalaman ang iniisip ko? Yun ang ibig kong sabihin. Press people. Puwede rin nagpaplantsa, press people, e!" he quipped. "Natawa nga ako sa anak kong si Jacko, e. Sabi niya, ‘Daddy, teka muna, anong gulo ‘yan?' Kasi ang sinasabi nila, journalist killings. Wala akong binanggit na word na journalist. At saka ang alam pala ng mga bata sa atin... ‘Eto, imbestigahan n'yo man, ‘pag sinabi n'yong journalist, e, ang sinasabi pala niyan, ang ibig sabihin ay sila Max Soliven, sila Jose Guevarra... Yun ang alam ng mga tao karaniwan, e. Mga journalist ‘yon, sila Louie Beltran, yung mga ganun. ‘Pag sinabing press, ‘eto yung mga iniimbita sa presscon. Kaya nga, inuulit ko, nagkaroon lang ng maling dating sa inyo ‘yon... "Hindi ko naman kailangang ipagmalaki na siguro sa artista ngayon, ako lang ang nakasulat sa tatlong pinakamalalaking diyaryo—Inquirer, Manila Bulletin, at soon sa Philippine Star, at sa hindi mabilang na tabloids o scandal sheets. "Wala akong intention na masama. Alam mo, ang galaw, kilos, at pananalita ng tao po, ‘yan ay iba-iba ang dating sa kahit kanino depende sa layo at sa dinig. Maaaring ako'y tumingala—ito ay sa kilos, ha—maaaring isipin ni Butch Francisco, ‘Nagdarasal si Joey.' Pero ang iniisip ni Lolit, ‘Nakatingala si Joey, naninilip ‘yan.' Ganun po ‘yan, e. Iba-iba ‘yan, e. "Kaya nga, NPC, Mr. Antiporda... I'm sorry kung nasaktan ko kayo o sa kakampi ninyo. Pero yung mga galit sa akin at sa amin... Alam n'yo nangyayari ‘yan, sa iba na rin nanggagaling na yung network war, yung mga ganito, medyo nagtitirahan ‘yan. E, siyempre hahanapan ka ng ganito—‘O, nagkamali ‘yan, lagay natin ‘yan ng meaning.' "Kasi mahilig akong magsulat ng tinatawag na sangang-dila. Yung ‘pag nagsulat ka, doble-sentido, yung mga ganun. Kaya siguro napagbibintangan ako na ganun. Nagkataon lang yun. Ako rin nung inisip ko, ‘Press people...sigurado iisipin magpapalusot ka.' Ganun lang po ‘yon. Wala akong iniisip na mamamahayag. "At saka ako'y matagal nang manunulat ng komedya po. Hinahamon ko lahat ng writers ng comedy sa buong mundo, noon at ngayon. Alam n'yo po, ‘pag sinabi yung subject journalist killings, napakahirap pong gawan ‘yan ng comedy. Tanungin mo ako, ‘Gawan mo ako ng comedy tungkol sa Diyos, santo, mga dakilang tao ng kasaysayan, mga taong may kapansanan, mga pinuno ng bansa... Napakadali pong isulat sa comedy ‘yan. Pero journalist killings, tingin ko, mahirap, napakahirap. "Mahal ko ang press dahil part n'yo ako. I'm sorry po kung nasaktan po kayo. Para matapos na po ‘to, yun na po ‘yon. Wala akong ibig sabihin na masama. FORGIVENESS GRANTED. The issue concerning a certain PEPster, with a pseudonym "Jowee Deame," giving wrong info about the Eat Bulaga show being a flop, did Joey already forgive this person? "Oo," Joey immediately said. "Maski yung taong nagsulat ng flop. Wala lahat yun, napatawad na, nasulat na, e. Tapos na. Pero wala na sa akin yun. [Jowee] Deame, na pen name, salamat at sinabi mo ang totoo. Galit lang ako sa dalawang klaseng tao, e—yung sinungaling at mandaraya. Totoo ‘yan. ‘Pag naganap na ang isang pangyayari, huwag mo nang ibalita nang baliktad. Yun lang ang ikinagalit ko, e. Tapos na yung show, bakit mong sasabihing ganoon?" So how about Dolphy's earlier statement that he would help Joey and Willie Revillame make amends. Is he up to it? "Walang kaso sa akin," Joey answered. "Yung mga batuhan namin ni Willie, e, tuksuhan lang ‘yan. At hindi naman ako nauna, e." Then after mimicking Willie's crying moment, he added, "Hindi naman ako yun, e. Siya nauna, e. Sumusundot lang ako." A JOURNALIST FIRST, A COMEDIAN SECOND. Joey revealed the news that he will write for the Philippine Star starting August 17. After this announcement, he gave out this closing message probably as a note that he indeed was serious in his apology he gave out earlier. "Baka hindi alam ng tao, ako'y nagsulat din sa Daily Express noong araw. Alam n'yo kung saan yung column ko? Nasa gitna ng comments and analysis. Dumaan po ako sa ganoon. Kaya huwag ninyong aanuhin ang kakayahan ko. "At ako ay nag-cartoons, at nagsulat sa Inquirer ng isa't kalahating taon, sa Manila Bulletin, halos tatlo't kalahating taon, entertainment naman. Iba't iba ‘yan. Alam ko ang kapasidad ko at alam ko ang limitasyon ko kung ako ay sumusobra na or nag-o-over na ako. Mahal ko ang press... "At sa mga gusto mag-ayos, wala kaming problema nung kabilang show [Wowowee]. Nagtutuksuhan lang po lahat ‘yan. Nagbibiruan lang, nagsusundutan, pero walang personalan." - Philippine Entertainment Portal

Tags: joeydeleon