ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Melanie Marquez's daughters not likely to follow in her footsteps


Wala raw ni isa man sa mga anak na babae ni Melanie Marquez ang gustong sumunod sa yapak niya bilang isang beauty queen at supermodel. Ikinuwento ni Melanie sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na ang dream daw ng kanyang mga anak na sina Maxene Xuxa at Michelle Zarah ay maging doktor at businesswoman. Natutuwa naman si Melanie dahil maganda ang karera na gustong kunin ng kanyang mga anak. "Marami ngang gustong kumuha sa mga girls ko na mag-model at gumawa ng commercials. Si Xuxa kasi, she's already 15 at 5'8" na ang height niya. Si Zarah naman, 13 years old pero 5'7" na siya. Malalaki ang mga dalagita ko, di ba? Pero ayaw nilang maging beauty queen at supermodel tulad ng ina nila. Iba ang gusto nilang gawin," lahad niya sa presscon ng Celebrity Duets. At a very young age, Melanie won Miss International in 1979 at Face of The ‘80s noong 1985. Noong 1986 naman ay naging first runner-up siya sa Supermodel of the World contest at naging in demand Asian model siya noong mga panahon na ‘yon. Kung itinuluy-tuloy lang ni Melanie ang kanyang modeling career sa U.S. noon, posibleng nakasabayan niya ang mga supermodels na sina Cindy Crawford, Carol Alt, Elle McPherson, at Paulina Porizkova. "Wala namang regrets kung bakit hindi ko itinuluy-tuloy ang modeling career ko noon. Tapos na ‘yon and I made my choice. Mas pinili ko ang manatili rito at magkaroon ng malaking pamilya. "Tulad nga rin sa mga anak ko, wala namang problema sa akin kasi may mga choices naman sila. It's good na gusto nilang maging professionals. Pero kung ang buhay ko noon ay tulad ng buhay ng mga anak ko ngayon, baka itinuloy ko ang pag-aaral ko at hindi ako naging beauty queen at supermodel. Siguro nga, nasa plano ng Diyos na ganito ang maging buhay ko," sabi ni Melanie. UNRESOLVED ISSUE. Naitanong kay Melanie kung naayos na ba ang naging problema niya tungkol sa pagbigay ng sustento ni Senator Lito Lapid sa kanilang anak na si Manuelito, who is now based in Las Vegas. Matagal bago nakasagot si Melanie, pero maganda naman ang sinabi niya tungkol sa tanong na ‘yon. "Ganito na lang... Mahal ko ang anak ko at bilang ina ay nagiging protective lang ako. Gusto ko ay mabigay sa kanya ang dapat na para sa kanya. Alam naman ni Senator Lapid ‘yan dahil may mga anak siya. Alam naman siguro niya ang kanyang obligasyon bilang ama kay Manuelito. Napag-usapan na namin ‘yan at ayokong paulit-ulit pa. Para sa anak ko kasi, makikipagpatayan ako. "Since alam naman na nila ang mga dapat gawin, nasa kanila na ‘yon. Ipinapasa-Diyos ko na lang lahat. Hindi naman ako ang mananagot sa Diyos baling-araw, e." FRUSTRATED SINGER. Ngayon ay isa si Melanie sa mga contenders ng Season 2 of Celebrity Duets. Sinabi ni Melanie na noong una siyang tinawagan para sumali ay akala niya ay niloloko lang siya. Hindi naman daw siya singer para isali. "Isa lang pantasya sa akin ang maging singer noon. Pero mukhang matutupad na ‘yon dahil sa show na ito. Babaklain ko lang para mag-enjoy ang mga tao sa akin. "Nakakatuwa kasi kasama ko as contestants sina MMDA Chairman Bayani Fernando, ang aking kapatid na si Joey Marquez, si Ms. Cory Quirino, at Carlene Aguilar. Pare-pareho kaming mga hindi singers kaya pabonggahan na lang kami." Kasama rin si Melanie sa soap opera ni Judy Ann Santos sa ABS-CBN, ang Humiling Ako Sa Langit. Nagpapasalamat nga siya sa GMA-7 na kinuha pa rin siya kahit na may show siya sa kabilang network. - Philippine Entertainment Portal