Dranreb Belleza plans to settle down next year
Nagulat kami dahil mistulang langung-lango ang itsura ni Dranreb Belleza nang maabutan namin sa Heritage Art Center na nasa Marikina Shoe Expo Arcade, Cubao, para sa painting exhibit ng dating child actor doon noong September 8. "At saka na lang tayo mag-chikahan dahil ayoko nang dagdagan pa ang kahihiyang dinala ko na sa pamilya ko," makahulugang pakiusap ni Dranreb sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang taga-media na gustong makapanayam siya. UPDATES ON HIS HEALTH. Noong September 9, nang maayus-ayos na ang takbo ng isip ni Dranreb, at saka siya nagpaunlak ng panayam sa telepono. "I've been in the Philippines noong December pa of last year," sabi niya. "Pero babalik na ako sa States sa September 18 to get another medical opinion tungkol sa tatlong tumors na nakita sa colon ko, and at the same time, yung swelled prostate ko." Medyo nagulat kami sa sinabing yun ni Dranreb dahil ang akala namin ay naayos na ang dating health problem niya which caused him to undergo surgery sa Amerika. Obviously, this is another obstacle that he has to face. "Nakahanda na ako kung anuman ang mangyari," sabi ng dating child actor. "Sa ngayon, I'm just enjoying my life. Tuluy-tuloy pa rin ang pagpe-painting ko. I am sick. I also have multiple scoliosis. Kaya nga ini-enjoy ko na lang ang buhay ko." Nasabi nga ni Dranreb na hindi na niya namalayan pa ang ibang guests that night sa art exhibit. Ang grupo ni Cookie Chua ay nag-perform at hindi na napansin pa ni Dranreb na naroroon din si Bayang Barrios. Mabuti na lang, maaga-agang nagpunta ang aktres na si Rita Avila na personal na inimbitahan ng dating child actor. DRANREB'S FIANCEE. Kapansin-pansin that night na laging nakadikit si Dranreb sa isang babaeng kamukha ni Pilar Pilapil. "She's my fiancee, si Daisy," sabi ni Dranreb sa kabilang linya. "In-charge siya sa catering last night. We're planning to get married next year, sometime in August, sa Batangas, sa may Sombrero Island. Doon namin gustong magpakasal." DOING A "JUDE." Nagulat naman kami sa sinabing ito ni Dranreb, at ang unang pumasok sa isip namin, nainggit ba siya kay Jude Estrada na kailan lang ay nag-settle down na? "It has nothing to do with Jude!" medyo natawa si Dranreb sa kabilang linya. "Good for him if he has settled down. Kaibigan ko pa rin naman yun. I'm talking about my personal life na. I have finally found someone, na makakasama ko habang-buhay. "At least, may konting hope pa rin ako in life, di ba?" dagdag niya. Siguro nga, roon na matatapos ang kung anumang kaugnayan mayroon sila ni Jude. Well, kung anuman yun. - Philippine Entertainment Portal