Jolina reacts to report Gabby was invited to premiere of ‘I.T.A.L.Y.’
Nakarating sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang balitang inimbita ng GMA Films si Gabby Concepcion sa premiere night ng I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You), September 14, sa SM Megamall. Nakapag-usap na raw ang aktor at ang executives ng GMA Films na sina Annette Gozon-Abrogar at Joey Abacan. Nabanggit daw ni Gabby na iho-honor niya ang pinirmahang kontrata sa film company ng GMA-7. Ang pagdating ng aktor sa premiere night ay patunay na ayos na ang gusot na dala ng pag-back out niya noon sa pelikula. Matatandaang naging malaking isyu ang pag-urong ni Gabby sa I.T.A.L.Y., na dapat sana'y comeback movie niya, at the last minute. Ang role na dapat sa kanya ay napunta kay Dennis Trillo. Feeling "lucky" naman si Dennis noon na sa kanya naipasa ang project dahil nakapunta siya sa Europe at nakapag-cruise sakay ng cruise ship na Costa Magica nang libre. Nakapanayam ng PEP si Jolina kahapon, September 12, para sa promo ng kanyang Destiny album under GMA Records. Ang carrier single nitong "Will of the Wind" ang ginamit na theme song ng I.T.A.L.Y. Bago tapusin ang pakikipag-usap sa singer-actress, hiningan namin siya ng reaksiyon sa posibleng pagdating ni Gabby sa premiere night ng pelikula. "Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko, e," sagot ni Jolina. "Dumating siya kung gusto niyang manood. Pero ako, gusto kong mag-enjoy sa premiere night, gusto kong namnamin ang gabi with the people na kasama kong naghirap na tapusin ang movie. Kung dumating siya, okey lang. Kung hindi dumating, ayos din lang. Ayoko agad mag-judge." Kinulit namin siya, paano nga kung dumating si Gabby? "In case na dumating, tingnan natin kung ano ang mangyayari. Iba kasi âpag nandun na. As of now, hindi ko pa alam ang magiging reaction ko. Ang pinaghahandaan ko ay ang mapanood ang kabuuan ng movie. Nasilip ko na siya nang mag-voice over ako at gusto ko namang namnamin ang buong movie, gusto kong makita," saad ni Jolina. Ikinuwento ni Jolina na nag-text sa kanya si Direk Mark Reyes at sinabing "You'll be proud of the movie," kaya lalo siyang na-excite na mapanood ito. Para raw sa fans nila nina Rufa Mae Quinto, Mark Herras, Rhian Ramos, at Eugene Domingo ang I.T.A.L.Y. Biglang naisip ni Jolina na baka akalaing pa-goody-goody ang sagot niya sa sa tanong ng PEP sa posibleng pagdating ni Gabby sa premiere night kaya nagpaliwanag ito. "Ayoko lang may pumasok na nakakasira sa loob ko sa gabi ng premiere," paglilinaw niya. "Hindi natin alam at ayokong magsalita ng tapos. âPag nandun na, hindi ko na alam ang mangyayari. Hindi ako galit, at sa ganda ng movie, hindi na ako nag-iisip ng kahit anong sama ng loob." Sa palagay niya, may dapat bang panghinayangan si Gabby âpag napanood nito ang I.T.A.L.Y.? "Hindi ko alam at hindi ako puwedeng mag-judge na dapat manghinayang siya. Hindi pa puwede dahil hindi pa kami nag-uusap. Wala pa siyang effort na kausapin kami," sabi ni Jolina. WISH FOR GABBY. Tinanong ng PEP si Jolina kung ano ang masasabi niya sa mga nangyayari kay Gabby ngayon, gaya ng conflict nito sa manager niyang si Mrs. Rose Flaminiano. Aniya, "Honestly, hindi ko alam na maraming isyu sa kanya at hindi ko na alam ang nangyayari sa kanya. Naaano lang ako na sana, kahit maraming negative sa kanya, wish ko lang, matupad pa rin ang reason ng pag-uwi niya na para sa dad niya. Inilagay ko sa puso ko at masaya pa rin for him na nakasama niya ang dad niya and, up to now, yun pa rin ang wish ko." Dagdag ni Jolina, "Para huwag na lang akong masaktan at magkaroon ng grudge, inisip ko na lang na kaya ginawa ni God na makauwi siya, para makita niya ang dad niyang may sakit." May chance pa bang maayos ang problema sa pagitan nila ni Gabby? "Kung may tamang pag-uusap sa tamang lugar, why not?" sagot niya. "For me, âpag nag-usap ang dalawang taong hindi nagkaintindihan, dapat sa tamang oras at tamang lugar, at alam mong nag-uusap kayo nang totoo." Paano kung aksidente silang magkita sa isang okasyon? "Sabi ko nga, may tamang oras at at lugar para diyan. Naging friends naman kami at sana kung maayos, di sana pagpiyestahan," sabi ni Jolina. DADDY JUN ALSO REACTS. Kinuha rin ng PEP ang reaksiyon ng ama ni Jolina na si Mr. Jun Magdangal sa posibleng pagdating ni Gabby sa premiere night ng I.T.A.L.Y. Kung may mas nasaktan sa pagba-back out ng aktor sa GMA Films movie, si Mr. Magdangal yun dahil siya ang nagka-idea na pagsamahin sa pelikula ang anak at si Gabby. Si Mr. Magdangal ang unang nakipag-usap dito at willing pa ngang makipag-co-produce na later on. Pero inayawan din niya. "Ewan ko, hindi ko alam at wala akong masabi. Last na nag-usap kami ay nang talikuran kami at ang pelikula. Nag-i-email ako, pero hindi niya sinasagot," sabi ng ama ni Jolina. If ever dumating nga si Gabby, magkaroon kaya ng reconciliation sa pagitan nila? "Bakit ako mag-e-effort?" sagot ni Mr. Magdangal. "In the first place, hindi kami ang umatras and, in the [second] place, tinalikuran niya kami. Kung ako ang sinunod niya, puwede namang gumawa siya ng pelikula sa ibang bansa at hindi siya aapak sa Pilipinas, hindi niya kailangang umuwi at wala sana ang mga gulong ito ngayon." Ayon sa kuwento ni Mr. Magdangal, ang daming tanong at reklamo raw ni Gabby sa I.T.A.L.Y. Hindi raw kilala ng aktorâna nawala sa sirkulasyon sa loob ng 13 yearsâsina Rufa Mae Quinto, Rhian Ramos, Mark Herras, at Eugene Domingo. Nag-dialogue pa raw itong paano magiging comeback movie niya ang project kung marami silang magkakasama. "Kung dumating siya, I think it's too late, huwag na lang yun," sabi ni Mr. Magdangal. "Saka moment ito nina Jolina at ng mga kasama niya sa cast, ibigay na lang niya. Kami ang naghirap, âtapos biglang may lalabas na naging cause ng problema dati." Paano kung makipagbati na si Gabby sa kanila? Kung maging daan para magkaroon ng reconciliation ang pagdating nito sa premiere night? "Hindi ba sa hustisya, âpag may ginawa kang mali, kailangang may parusa muna? As long as hindi siya nagso-sorry at nagkakapatawaran, mahirap yun. Kung ako ang tatanungin, hindi na siya dapat mag-appear. Kung may reconciliation, not this time, at kung magkakabati, in God's time, huwag i-pressure. Malalim ang sugat na ginawa niya, may mga binitawan siyang salita na hindi maganda. Hindi lang kami ang nainsulto sa ginawa niya, pati ang writers at ang GMA Films." Halimbawang lumapit sa kanya si Gabby at mag-sorry, ano ang gagawin ng ama ni Jolina? "Ewan ko. Iba ito sa pagdating niya sa premiere night ng movie [For The First Time] nina KC Concepcion at Richard Gutierrez. Dumating siya because of his daughter. Yung iniwan niya kami sa ere, ibang usapan yun. Delicadeza ang usapan dito. Naaawa rin ako sa kanya, but it is his own doing," pahayag ni Mr. Magdangal. Samantala, nagulat ang PEP sa nalamang hindi pa nakukumpilan si Jolina, pero naka-schedule na. Pareho silang hindi pa nakukumpilan ng nobyong si Bebong Muñoz. "Excited na ako sa kumpil at nag-usap na kami ni Bebong na sabay kaming magpapa-kumpil at okey sa kanyang sabay kami. Natawa ako at hindi pa rin siya nakukumpilan. Ang tanong nga ngayon ay hindi kung kailan ang kasal, kundi kailan ang kumpil. Nakakatuwa!" pagtatapos ni Jolina. - Philippine Entertainment Portal