Marvin Agustin wants a movie with ex-reel love Jolina
Dalawang contract signing para sa dalawang endorsements ang dinaluhan ni Marvin Agustin noong Thursday, September 18. Una ay ang endorsement niya para sa clothing brand na Urban Edge na ginanap sa Nippon restaurant sa Tomas Morato, Quezon City; at ang pangalawa ay ang Lana de Herba Oil and Ointment sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato rin. Tuwang-tuwa si Marvin dahil hindi niya akalain na makaka-score siya ng dalawang endorsents sa isang araw. Libreng araw sana niya ang araw na âyon para makasama ang kanyang kambal na anak na sina Sebastian at Santiago. Pero dahil kailangan siya sa contract signing ng dalawang endorsements ay siningit na lang niya ang oras niya para sa kambal. "Manonood sana kami ng sine ng mga anak ko, pero biglang nagkaroon ng dalawang contract signing. âAyun, inaway tuloy ako ng kambal!" natatawang kuwento ni Marvin sa PEP (Philippine Entertainment Portal). Patuloy niya, "Pero nag-promise naman ako sa kanila na lalabas kami since lunch yung unang contract signing at dinner naman yung isa. Hindi na lang kami nakapanood ng sine kasi baka kapusin sa oras. Ipinasyal ko lang sila at okey na sila sa gano'n. Para naman sa future nila ang mga ginagawa ko, e." Ang dahilan kung bakit kinuhang endorser si Marvin ay dahil sa kanyang mass appeal. Bukod sa toprating ang mga shows niya âtulad ng Gaano Kadalas Ang Minsan at Dear Friend, maganda pa ang image niya bilang businessman, actor, at family man. "Nakakatuwang isipin na nakikita nila yung mga bagay na âyon sa akin. Like sa business side ko, it's really doing great at magtatayo kami ng two more branches ng Sumo Sam [a Japanese resto]. It's either before this year ends or early 2009. âTapos may mga naiisip pa ako na buksan na business, pero lahat âyan nasa planning stage pa. "The trust that these people give me makes me want to be a better example sa maraming young businessmen para hindi naman nakakahiyang maging endorser nila. Promise ko naman sa kanila na I will try my best to the best endorser they have," nakangiting sabi ni Marvin. MARVIN, THE SPORTSMAN. Sportsman din si Marvin dahil sa nahiligan niyang sport na archery. In fact, kasali na siya sa Philippine archery team na lalaban sa Asian Gran Prix na gaganapin dito sa Pilipinas (sa Ateneo de Manila University) sa October. Makakalaban nila ang mga archers mula sa iba't ibang bansa ng Asia. "Pinayagan nga ako ng Korean trainer na mag-compete kahit three weeks pa lang ako nagte-train under him. Mukhang ready na raw ako and, hopefully, maging okey naman ang pag-compete namin this coming October." TEAM-UP WITH JOLINA. Bukod sa dalawang nabanggit na shows, kasama rin si Marvin sa bagong primetime series ng GMA-7 na La Lola. "Nakapag-taping na ako for La Lola at nakakatuwa ang story niya. It's drama-comedy na may konting mystery. It's for the whole family. Pambalase ito sa mga sobrang drama na napapanood na nila sa GMA Telebabad. Kumbaga, ito ang magiging pinaka-dessert nila sa gabi," lahad ni Marvin. Pagkatapos ng cameo role niya sa pelikulang I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You), may mga fans pa rin sila ni Jolina Magdangal na nagre-request sa GMA Films na gumawa ulit sila ng pelikula. Nandoon pa rin kasi ang screen chemistry nila na napatunayan na nila noon kaya naging big hits ang mga pelikula nila sa Star Cinema âtulad ng FLAMES: The Movie, Labs Kita... Okey Ka Lang?, Kung Ayaw Mo Huwag Mo, at Gimik: The Reunion. "Overwhelming naman ang response ng audience noong premiere night nga ng I.T.A.L.Y. Ginawa ko yung cameo role in support na rin for GMA Films at kay Jolens. It would be nice na magkaroon kami ulit ng movie kasi matagal na rin kaming hindi nagkakasama sa big screen. "Sa TV kasi, okey naman ang pagtanggap sa amin starting with I Luv New York, âtapos itong Dear Friend. Extended kami for another season dahil maganda ang feedback sa amin ni Jolens. Ako, I'm always willing to work with Jolens anytime. Basta sabihin lang nila, walang problema sa akin." Marami ang nakapansin na okey rin ang pakikitungo niya sa boyfriend ni Jolina na si Atty. Bebong Muñoz. Ayon kay Marvin, magkakilala naman daw sila ni Bebong at walang dahilan para hindi sila maging okey. "Na-meet ko naman si Bebong noong nasa New York kami ni Jolens. He's a very pleasant guy at nakikita ko naman na bagay na bagay sila. I can say na natagpuan na ni Jolens ang Mr. Right niya. "Believe or not, happy ako para sa kanilang samahan and kung kelan man ang magiging kasal nila, huwag sana nila akong kalimutan na imbitahan kasi maganda ang magiging regalo ko para sa kanila. Pero siyempre, secret muna âyon. Malalaman na lang nila kapag naganap na ang wedding nila," nakangiting sabi ni Marvin. - Philippine Entertainment Portal