PEP: Sources confirm Dingdong, Karylle breakup
Kumpirmadong break na sina Dingdong Dantes at Karylle. Ito ang napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa iba't ibang sources na pawang may malalim na koneksiyon sa dalawa at sa Kapuso network. Inaasahang bago matapos ang linggong ito ay sabay na magpapa-interview sina Dingdong at Karylle sa isang national broadsheet para sabihin once and for all kung break na sila. Bago pa man ang anunsyong iyan, tinitiyak ng PEP na break na nga ang dalawa, na naging magkasintahan din ng tatlong taon. Samantala, pumapasok ang pangalan ni Marian Rivera sa breakup. Matagal nang ikinakabit ng iba ang pangalan ni Marian Rivera kay Dingdong, dahil na rin sa panay-panay na tambalan ng dalawa sa telebisyon at, kamakailan, ay sa pelikula man. Ngunit iginiit ng isang network insider na walang third party sa pagtatapos ng relasyon nina Dingdong at Karylle. Ayon sa source, na may malayang access sa GMA-7, ang network kung saan nakakontrata sina Dingdong at Karylle, "na-outgrow" na lang ng dating magkasintahan ang isa't isa. At sa recent interviews naman nina Dingdong at Marian, itinanggi ng dalawa na may namamagitan sa kanila bukod sa pagiging matalik na magkaibigan. Sa isyung Dingdong-Marian, ito ang paniwala ng PEP: Nagsasabi ng totoo si Dingdong sa pahayag na hindi si Marian ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Karylle. Ito ay sa dahilang "wala talagang commitment si Dingdong kay Marian," ayon sa isang beteranong reporter na malapit kay Dingdong. Sa katunayan nga raw, sabi ng ilang reporters na nakapaligid kay Dingdong, parang "free na free" ang dating ni Dingdong. Parang ini-enjoy raw nito ang pagiging "single" muli. Madalas pa nga raw magkomento ang binata na nagagandahan siya sa ganito at ganoong babae, at nabibiro siya sa kanyang panlasa. Hindi raw ito ang magiging dating ni Dingdong kung tali na siya kay Marian. Ganunpaman, hindi naniniwala ang PEP na walang namamagitan kina Dingdong at Marian. Maraming nasa paligid din ng dalawa ang bumubulong na mahigit sa magkaibigan sa propesyon ang turingan ng dalawa. Ayaw nga lang daw nilang ma-quote kasi baka pag-isipan ang dalawa ng masama ng mga maka-Dingdong-Karylle. Naniniwala kasi silang matagal nang tumabang ang romansang Dingdong-Karylle, at kung sa nariyan o sa wala si Marian, hindi na rin daw ito iinit pa. CONTRADICTORY STATEMENTS. Lumabas noon sa ilang reports na sabay raw magpapa-interview sina Dingdong at Karylle pagbalik ng young actor mula sa Amerika nitong Oktubre. Ito ay upang linawin ang balita kaugnay ng estado ng kanilang relasyon. Ngunit, mahigit isang linggo mula nang bumalik si Dingdong, wala pa ring pahayag mula sa kanya o maging kay Karylle. Sa ilang panayam ng entertainment press kina Dingdong at Karylle matapos kumalat na break na sila, nakapagtatakang kadalasan ay hindi magkatugma ang kanilang mga sagot. Noong October 8, sa mismong araw ng pag-alis ni Dingdong papuntang Amerika upang mag-abay ito sa kasal ng isang kaibigang matalik, nakausap ng YES! magazine si Karylle sa pamamagitan ng text message. Nang tanungin kung ano ang totoo sa balitang break na sila ni Dingdong, ito ang naging sagot ni Karylle: "We were just together this whole afternoon. He leaves in a while for the States. I just chose to be quiet kasi parati na lang ganito. The other week, [the rumor was] as if buntis ako. Paikot-ikot lang ang issue." Ganito rin ang laman ng pahayag niya sa GMA-7 news program na 24 Oras noong October 14. (CLICK here to read related story.) Pagdating na pagdating ni Dingdong mula sa Amerika noong October 17 ay dumiretso siya sa inauguration ng GMA Network Studios. Doon ay nahingan siya ng reaksiyon tungkol sa pahayag ni Karylle sa telebisyon. Ani Dingdong, "Hindi pa kami nagkakausap or nagkikita ni Kay kasi kababalik ko pa lang. Nakarating naman sa akin yung sinabi ni Kay. I don¹t want to say anything muna tungkol sa sinabi niya. I feel na hindi pa ito ang right time. Pero magsasalita naman ako sa tamang oras talaga. Nangako naman ako na I would give an interview para malinawan na ang lahat sa mga nangyayari." (CLICK here to read related article.) Sa hiwalay na interview ni Butch Francisco kay Dingdong ay tinanong ng Startalk host ang young actor kung nasaan si Karylle. "I don't know," ang sagot ni Dingdong, na noong oras na âyon ay katabi naman si Marian. Hindi ipinalabas sa Startalk ang naturang pahayag na ito ni Dingdong. Pero binanggit ito ni Butch sa ilang entertainment press, kabilang na ang PEP, sa presscon para sa Startalk 13th anniversary noong October 18. May nakarating ding impormasyon sa PEP na hindi nagustuhan ni Dingdong ang ginawang pagpapa-interview ni Karylle dahil nga taliwas ito sa usapan nilang magbibigay ng official statement. Ngunit sa huling interview ni Dingdong sa shooting ng One True Love kahapon, October 28, sinabi nitong naiintindihan niya kung hindi naiwasan ni Karylle na magsalita, lalo na't may mga reporters na namimilit sa kanya. (CLICK here for related story.) OPEN SECRET. Ayon sa highly reliable source ng PEP, halos dalawang buwan nang hiwalay sina Dingdong at Karylle. Dagdag naman ng isa pang source, ang talagang masinsinang pag-uusap ng dalawa tungkol sa hiwalayan ay naganap sa bahay ni Dingdong bago umalis ang binata papuntang Amerika noong October 8. Sa simula pa lang, ayon sa highly reliable source, alam na raw ng pamilya at ng malalapit na kaibigan ni Dingdong ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Karylle. Maging sa loob ng GMA-7, may mga grupo na ring nakakaalam sa estado ng kanilang relasyon. Bagamat marami pang detalye ang nakalap ng PEP, marami sa aming sources ang tumangging ipasulat ang kanilang mga sinabi bilang respeto kina Dingdong at Karylle. Ayon sa kanila, magsasalita rin ang dalawa sa tamang panahon at malapit na nga raw itong mangyari. Sa kabuuan, ayon sa mga kuwentong ito ay noon pa lang daw ay may problema na sa relasyong Dingdong at Karylle. Sinusubukan pa rin daw nilang ayusin ito hangga't maaari, pero sa huli ay nagdesisyon na silang tapusin ang relasyon. Hindi malinaw kung sino ang nakipag-break kanino. Pero noong September 3 ay sinorpresa pa ni Dingdong si Karylle sa unang performance ng kasintahan bilang Maria sa musical play na West Side Story. Bumisita rin si Karylle sa penthouse ni Dingdong sa Cubao, Quezon City, nang mag-pictorial doon ang YES! noong September 28. Ayon sa isang source, malabo na raw ang dalawa noon. Ang napansin ng YES! staff ay ang kawalan ng special gestures, terms of endearment, o private chats sa pagitan ng dalawa. Tuloy ay parang magbarkada ang dating nila. Kumportable si Karylle sa penthouse ni Dingdong, kilala niya ang buong pamilya, at sumama pa siyang magsimba sa pamilya ng binata. Ngunit walang maaaninag na sweetness sa magkasintahan. THE MARIAN FACTOR. Kung totoo ngang hiwalay na sina Dingdong at Karylle, ang malaking katanungan ngayon ay kung bakit. Dito na pumapasok ang pangalan ni Marian. Walang duda na kakaiba ang dating at lakas ng pakikipagtambal ni Dingdong kay Marian Riveraâuna sa Marimar, na nasundan pa ng Dyesebel. Dahil magkasunod na ginawa ang dalawang top-rating teleserye, mahigit isang taon silang nagkasama sa trabaho. At least three times a week silang nagkikita, at kung minsan pa'y five times a week. Ngayong tapos na ang Dyesebel, ginagawa naman nila ang pelikulang One True Love mula sa GMA Films, at susundan ito ng GMA-7 primetime series na Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Hindi imposibleng nagkahulugan ng loob sina Dingdong at Marian. Dahil dalawang nilalang na nagmamahalan ang kanilang ginampanan sa kanilang teleserye, marami silang eksena kung saan nagpapahayag sila ng pag-ibig sa isa't isa. Dagdag pa rito ang napakaraming kissing scenes at love scenes nila. Sa panayam ng YES! kay Dingdong sa November 2008 issue nito, tinanong siya kung hindi ba siya nakakaramdam ng kahit ano sa tuwing meron siyang maiinit na kissing scenes sa kanyang mga kapareha. Sagot ni Dingdong, "You have to. Otherwise, it won't come out real. Pero siyempre, you have to snap out of it. âYong iba naman kasi, hindi nila dinidibdib, e. Like I said, I want to put my whole self in what I'm doing. I wanna be involved. I always give my hundred percent. Siguro, sa kalagitnaan, I wasn't feeling like I was acting. I actually lived the character." Ngunit kapag may nagsasabing magandang "career move" ang maging girlfriend niya si Marian, o may nagpapahiwatig na "promotions" ng pelikulang Dingdong-Marian ang mga usap-usapang sila na ngayon, halatang naiirita si Dingdong. Ang kalimitang mahinahon at palangiting binata ay nagiging seryoso, sabay sabing, "That's so stupid." Samantala, si Marian ay piniling maging tahimik sa relasyon nila ng nabalitang boyfriend na si Ervic Vijandre, isang modelo. Madalas sabihin ni Marian na "Ibalato n'yo na lang sa akin âyan" kapag natatanong tungkol sa kanila ni Ervic. Pero kahapon din ay umamin na si Marian na tatlong buwan na silang wala ni Ervic. Sinabi ng young actress na ang kawalan ng oras para sa isa't isa ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. (CLICK here for related story.) Pero mariing sinasabi ng isang source ng PEP na walang romantic relationship sina Dingdong at Marian. Totoong "mas close" raw sila ngayon, pero "walang commitment." Ayon naman sa ilang taong kasama mismo sa trabaho nina Dingdong at Marian, may malaking pagbabago sa pagtitingan ng dalawa. Bagamat close na sila noon pa, ngayon daw ay hinahatid na ni Dingdong si Marian sa sasakyan ng dalaga, na hindi naman daw dati ginagawa ng young actor. - Philippine Entertainment Portal