Lani Mercado chooses showbiz career over govt position
Aminado si Lani Mercado na may pressure sa kanya sa pagganap ng role ng dating role ng yumaong aktres na si Nida Blanca sa TV remake ng Saan Darating Ang Umaga?, ang pinakabagong Sine Novela ng GMA 7. Si Lani ang napiling gumanap sa role dati ni Nida pagkatapos itong tanggihan nina Lorna Tolentino at Amy Austria. Ayon kay Lani, pinanood daw niya ang film version ng Saan Darating Umaga? na ipinalabas noong 1983 at idinirek ni Maryo J. de los Reyes. Si Direk Maryo rin ang direktor ng TV version. "Pinanood ko ngayon," sabi ni Lani sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Before, napapanood ko siya, pero hindi buo. May mga portions lang, hindi ko nabubuo yung movie. Tapos ngayon, pinahiram nga kami ng copy ng buong movie, pinanood ko talaga." Dagdag niya, "Mabigat kasi yung role ni Tita Nida. Gusto ko rin makita kung paano ko mabibigyan ng pagkakaiba. Gusto ko rin makita kung pa'no ko mabibigyan ng bagong touch." Kung ang ibang artista na gumagawa ng remake ay ayaw panoorin ang original version para maiwasan ang comparison, si Lani ay mas piniling panoorin ito. Paliwanag ni Lani, "Ako, I opted to know the background kung ano ba ang simula ng istoryang ito. Pinanood ko, pero hindi ko copy. The script that we have, may difference siya sa original version. "Pero ako kasi, when I tackle the role, inilalagay ko yung sarili ko sa character, kung ano yung mga personal experiences ko na makakadagdag sa role. Hindi ko siya inaatake ng parehas ng pagkakaatake sa napanood ko. Kasi hindi ako yun, siya yun. Like nanay kami, parehas kami sa role. So yung pagka-nanay ko, lalabas at lalabas sa role." Aware naman daw si Lani na her role was originally offered to LT, and then to Amy. "Yes, kumbaga, thank you hindi nila tinanggap!" natatawang sabi niya. "Okey lang po kahit fifth choice ako. At saka, pareho naman kami ng manager, so siguro pinush din ako ni Nanay Lolit Solis na tanggapin ko âto. "Noon kasi, nahihirapan ako noong naglu-Lupin ako, tapos may Moms, may Marimar... Good thing, hindi nila ginawa na Wednesday ang taping day nito, ginawa nilang Tuesday para hindi ako rumaratsada sa one set to the other. "Kasi, naranasan ko na maligo sa fifth floor ng Channel 7!" tawa ni Lani. "Talagang nagsabi na ko kay Nay na, âNay, parang-awa mo na, papagalitan ako ng asawa ko nito!" POSITION IN GOVERNMENT. Pero nilinaw ni Lani na wala naman talagang problema sa mister niyang si Senator Bong Revilla. Tingin daw kasi niya, mas okey pa rin ang trabaho niya ngayon than the regular job na ino-offer naman sa kanya ng government. "It's a position in a government, in agency," pagsisiwalat ni Lani. "It has something to do with Filipino products. Meron naman tayong more or less background dun, kaya lang sabi ko kay Bong, hindi ko kakayanin ang 8 to 5 job every day. "Kung papasok ako riyan, gusto ko, âyan lang. âYan na âyan lang. Ayoko na maging part time na empleyado ng gobyerno. Ipu-full time ko na lang. Yun nga lang, iiwanan ko na ang showbiz. Iiwanan ko ang Moms. E, ayoko ng half-baked ang trabaho. Ayoko ng mapipintasan. Mahirap, e. Gusto ko, 100 percent na full time, nandoon." LANI AS GRANDMOM & MOM. As a grandma at the age 0f 40, masayang ikinuwento ni Lani na nagkita na raw ang mga apo niya na sina Gab at Alexa. Si Gab ay apo ni Lani kay Jolo sa dating girlfriend nito na si Grace Adriano, samantalang si Alexa naman ay apo ng aktres kay Inah sa asawa nitong si Vince del Rosario. Lahad niya, "Nagkita na sila noong Sunday [November 2], nandoon kami sa bahay ni Inah. Noong Halloween nasa amin siya. So, doon siya nag-spend ng Halloween, Sunday na namin siya inuwi. "Sabi ni Gab, âHello Alexa...can I kiss her?' Tapos, ini-interview niya si Inah, âBaby mo siya?'" Kumusta naman si Inah as a mother? "Ay naku, todo ang effort!" bulalas ni Lani. "Full-breastfed ang daughter niya. She's even providing milk for another infant. Sabi niya, she can pump 10 ounces in one sitting. Nakaka-ten siya. Hindi ko alam kung ilang bottles ang puwede niyang i-provide sa ibang infant, pero meron na siyang mini-ref na naka-store ang gatas niya. "Nagbibigay pa nga siya sa apo ni Rafael Alunan. She's not selling it, she's giving it. May mga mommy kasi na hindi sapat yung napo-produce na milk. Yung midwife kasi niya from Medical City ang nagsabi na nangangailangan ng gatas. Kaya sinabi sa akin ni Inah, âMama, I give milk.' Sabi ko, âKanino?' Noong sinabi niya, e, si Rafael Alunan naman, ninong naman ni Gianna. Hindi naman nagkakalayo, kaya okey lang." (Si Rafael Alunan ay ang dating secretary ng Department of Interior and Local Government.) Sinabi rin ni Lani na ang panganay naman niyang anak na si Bryan ay magkakaroon ng commercial soon. Pero nag-aaral pa rin daw si Bryan ng Consular Diplomatic Affairs sa De La Salle University. Si Jolo naman ay nag-aaral ng kursong Marketing sa parehong university. May plano rin bang pumasok sa pulitika si Bryan? "Kahit maging part lang siya ng opisina ng daddy niya," sabi ni Lani. "Kailangan niya [Bong] ng chief of staff na pamilya. So, we're grooming Bryan to be the chief of staff. Si Jolo naman, marketing, pero mahilig siya sa public ad." JOLO'S COLORFUL LOVELIFE. Between Bryan and Jolo, tila si Jolo ang palaging may masalimuot na lovelife? "Hindi naman, maligaya naman yata siya ngayon," nakangiting sabi ni Lani. Actual na ba ang relasyon nina Jolo at Lovi Poe? Dati kasi ay hindi nila maamin-amin ang relasyon nila dahil tutol ang ina ni Lovi na si Rowena Moran kay Jolo. "Hindi ko alam...hindi ko talaga alam," sagot ni Lani. Nasabi ni Jolo sa isang interview na okey sila ng mommy ni Lovi. Ngayon ba ay hindi na? "Hindi naman... Hindi siya masama, hindi siya mabuti. Okey lang. Civil lang. Actually, hindi pa kami nagkikita, ever," saad ni Lani. Dagdag niya, "Ako naman kasi, kung sino ang girlfriend, hindi naman ako nakikialam. Hindi ako nagme-meddle. Hindi ako kontrabidang mother-in-law. Even yung concert ni Lovi, Jolo invited my sisters-in-law to watch. Kung hindi lang siguro may sakit si Daddy [former Senator Ramon Revilla], sina Rowena, si Andeng, I'm sure, nanood din." Ano ang nararamdaman niya bilang ina ni Jolo na welcome sa pamilya nila si Lovi, pero tila kabaligtaran naman ito sa side ni Lovi? "Well, kanya-kanya ang mga nanay. Probably, yun ang kanyang istilo. Baka natatakot siyang mawala agad ang daughter niya. Baka yun ang istilo niya. Ayokong pangunahan yun. Yun ang kanyang istilo at nirerespeto ko siya ro'n. Iba-iba naman kasi ang mga nanay," pahayag ni Lani. - Philippine Entertainment Portal