Ritchie D' Horsey: I'm now high on God, not on drugs
Doble ang pasasalamat ng komedyanteng si Ritchie Dâ Horsey dahil matapos siyang piyansahan para sa kanyang pansamantalang kalayaan sa kulungan ay kasama pa siya sa movie version ng dating sikat ng television sitcom na âIskul Bukolâ¦20 Years After." Sa âChika Minute" portion ng GMA News â24 Oras" nitong Miyerkules, sinabing kaagad na nag-report sa shooting ng âIskul Bukol" si Ritchie at suot pa ang prison shirt niya sa Quezon City Jail. âOo sya yung nagpiyansa ng P120,000 sa akin," sambit ni Ritchie patungkol kay Vic Sotto na mas kilala sa pangalang Victorio Ungasis sa âIskul Bukol." âPinuntahan ni Direk (sa kulungan), kinausap nya tiningnan nya ang kondisyon ni Ritchie. Sabi ni Direk OK naman, maganda ang frame of mind nya, mataba, he looks healthy," kwento ni Vic. Inamin ni Ritchie ang nalulong siya sa droga pero ngayon ay nagbago na raw sya. âIâm hungry for Christ hindi po sa shabu, hindi po sa pagmamahal ng iba kundi sa kanya," sabay turo ni Ritchie sa itaas. âGusto ko nga pong i-spread yung words of God by means of pagkakataon na nangyari sa akin," idinagdag pa ng komedyante. Taong 2004 nang mahuli at nakulong si Ritchie dahil sa ilegal na pag-iingat ng droga. Pero bago pa nito ay pabalik-balik na siya sa kulungan ngunit nakakalaya dahil sa tulong ng mga kaibigan. Ngunit dumating rin ang punto na nagsawa sa pagtulong ang kanyang mga kaibigan kasama na si Vic. âSumuko na ako e katutulong sa kanya wala namang nangyayari rin. Balik lang nang balik sa maling landas," ayon kay Vic. âTumawag ako kay Vic pero sabi nya kasalanan mo âyan dyan ka muna," pagkumpirma naman ni Ritchie. Ang mga pagkakamaling iyon ay pinagsisihan na umano ni Ritchie at humihingi siya ng kapatawaran sa kanyang mga kaibigan na minsan niyang binigo sa kanyang pagbabago. âKasi hindi naman isang beses ako natapilok. Ang dami kong dapa. Ang dami kong bangon dahil sa mga kaibigan. Pero binalewala ko, yun po ang hinihingi ko ng sorry," ayon kay Ritchie. Bukod kay Vic, balik âIskul Bukol" ang âEscalera brothers" na sina Joey De Leon at Tito Sotto. - GMANews.TV