Iwa Moto talks about sick father in Japan
Labis daw ang nadaramang kalungkutan ngayon ni Iwa Moto dahil sa taning na ibinigay ng mga duktor sa buhay ng kanyang ama na may sakit na kanser. Ang ama ni Iwa ay nasa Japan. Kadarating lang ni Iwa sa bansa mula sa Japan noong isang linggo para makasama ang kanyang ama. âMedyo hirap nga po sya ngayon...and tinaningan na po sya," kwento ng dalaga sa Chika Minute portion ng GMA News 24 Oras nitong Huwebes. Plano raw ni Iwa na bumalik sa Japan sa Disyembre para makasama muli ang ama. Sa huli raw nilang pag-uusap ay nagbibilin na ang ama sa kanya. âAlagaan ko raw ang mga kapatid ko..maging mabait daw ako sa mom ko at âwag na âwag ko raw siyang kakalimutanâ¦masakit kasi alam mo yun pagbibilinan ka," malungkot niyang kwento. Upang mabawasan ang pag-iisip sa kalagayan ng ama, ibinubuhos ni Iwa ang kanyang atensyon sa kanyang mga trabaho. Sinimulan na niyang mag-taping bilang kontrabida ni Heart Evangelista sa bagong fantaserye ng Kapuso Network na âLuna Mystica." Nahihiya raw si Iwa kapag may nagsasabi sa kanya na siya na ang kapalit ni Katrina Halili sa trono bilang primera kontrabida ng GMA Network. âAlam naman nating lahat na walang makatatalo kay Katrina. Ang gagawin ko lang is trabaho lang," pahayag ng aktres. Maging kay Heart ay nahihiya rin umano si Iwa na maging kontrabida dahil idolo nya raw ang aktres kahit noong wala pa siya sa showbiz. âSabi naman ni Heart sa akin, saktan mo ko mas gusto ko âyon, mas gusto kong ramdamin yung emosyon ng karakter ko," ayon kay Iwa. - Fidel Jimenez, GMANews.TV