Dingdong joins ex-GF in yearly X'mas party for cancer patients
Masayang-masaya ang aura ni Dingdong Dantes nang dumating sa mezzanine ng Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City, kagabi, November 26, para sa thanksgiving dinner na ibinigay ng Regal Entertainment at GMA Films dahil sa success ng One True Love. Ayon sa nakuha naming report ay almost P50 million na ang box-office gross ng pelikula na pinagbibidahan nina Dingdong, Marian Rivera, at Iza Calzado, sa first week of showing nito. Biro ni Dingdong, parang kailan lang daw siya nandoon sa Imperial Palace Suites with the entertainment press, dahil sa early Christmas party na ibinigay niya last November 22 in the same venue. BOX-OFFICE SUCCESS. May mga detractors nilang ayaw maniwalang kumita ang One True Love. Ano ang comment ni Dingdong dito? "Hindi ko alam kung ano ang sukatan ng box-office hit. Pero sa nakita ko naman noong first day of showing namin nang pumunta kami sa mga sinehan, kung gaano karami ang tao sa three theaters sa SM Megamall at sa SM North EDSA, at sa mga text messages na tinatanggap ko, naniniwala akong nagustuhan nila ang movie. "Kaya nagpapasalamat po kami sa mga nanood at kahit paano naiparating namin sa kanila ang message ng aming pelikula, at sinundan nila kami ni Marian from TV to movie. Nagpapasalamat din ako sa GMA Films at Regal Entertainment na binigyan kami ng chance na magkatambal naman sa pelikula," saad ng aktor sa PEP (Philippine Entertainment Portal). MARIAN'S FREAK ACCIDENT. Tinanong din ng PEP si Dingdong kung nalaman niya agad ang aksidenteng nangyari kay Marian sa shooting ng "Nieves" episode ng Shake, Rattle & Roll X. Dinala si Marian sa Medical City kahapon, November 26, bandang alas-tres y medya ng madaling-araw dahil sa fractured toe niya pagkatapos niyang matapilok sa isang eksena. Kuwento ni Dingdong, "Ewan ko lang kung ako ang unang tinawagan ni Marian nang nasa hospital na siya, pero nalaman ko na agad ang nangyari sa kanya nang may tumawag sa akin na isang taga-production. Since malapit lang ako sa hospital that time, pinuntahan ko siya. "Doon ko nalaman na nagka-fracture âyong small toe ng right foot niya at kailangang i-plaster cast. Di ba, ganoon din ang nangyari sa akin? Maliit lang ang fracture, pero malaking abala talaga sa akin, lalo pa't nasa gitna ako noon ng pagtatapos ng Dyesebel at nagsu-shooting kami ng One True Love." Biniro tuloy si Dingdong na para namang magkatugma sila ni Marian. After niyang magka-fracture noon, si Marian naman ngayon. Kung right hand ang nabali kay Dingdong, right foot naman ang kay Marian. L.A. CONCERT. So, paano na ang Let's Celebrate concert nila ni Marian sa Shrine Auditorium sa Los Angeles on December 5? "Tuloy pa rin âyon," paniniguro ni Dingdong. "And hopefully, by that time, puwede na niyang itapak ang right foot niya. Mauuna lang akong aalis sa kanya sa December 1, pero a-attend muna kami sa Walk of Fame ni Tito Germs [German Moreno] sa Eastwood City. Sa gabi naman ang flight ko. "December 2, susunod sina Marian and her manager Popoy [Caritativo]. Siguro naman, maiintindihan ng fans namin sa L.A. kung hindi makakasayaw si Marian o magagawan ng paraan. O di kaya, ako ang sasayaw, si Marian na lang ang kakanta!" nagbibirong wika ni Dingdong. Tuloy ba ang panonood niya ng Pacquiao-Dela Hoya fight sa Las Vegas sa December 6? "Yes, may ticket na raw kami ni Perry [Lansigan, his manager]. Pero ayaw ko munang magsalita hanggang hindi ko nahahawakan ang ticket!" natatawang wika ni Dingdong. Sa boxing match na ito ay ang ex-girlfriend ni Dingdong na si Karylle ang kakanta ng Philippine National Anthem. "If ever tuloy kami, after ng show namin sa L.A., tutuloy na kami ng Las Vegas. I will be watching her, with millions of people around the world, sing our national anthem," sabi ni Dingdong nang hingan namin siya ng reaksiyon. Imi-meet din daw ni Dingdong ang producers ng E! Television na pumili sa kanya to be one of the 25 Sexiest Men in the World. Mapapanood din daw sa Pilipinas next year ang interview na gagawin sa kanya. Sa December 7 sila aalis ni Marian from Los Angeles at sabay na silang darating dito sa Pilipinas sa December 9. Ano ang susunod na gagawin ni Dingdong pagbalik nila? "Mag-i-start na kami ni Marian ng taping ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang sa December 11. Mag-i-story conference na sina Direk Joyce [Bernal] at ang cast habang wala kami," banggit ng aktor. Sa tanong kung ito na ang huling team-up nila ni Marian, hindi pa raw dahil may mga susunod pa. MEETING KARYLLE. Bago pumunta ng thanksgiving party para sa One True Love ay kasama raw ni Dingdong si Karylle. "Yes, âyon ang yearly Christmas party na ibinibigay namin sa cancer patients," sabi ni Dingdong. "It's our third year na ngayon. This time, para sa Kapuso Foundation ito at nakahingi kami ng tulong sa Timezone sa Glorietta. Doon namin nai-treat ang mga bata. "Thankful kami na tumulong sa amin ni Kaye sina Iza Calzado, Gabby Eigenmann, at iba pang mga Kapuso, na asikasuhin ang mga bata. Bukod sa palaro doon, binigyan din namin sila ng food at gifts." Hindi pala natapos sa pagbi-break nila ni Karylle ang relasyon nila? "Gusto naming ituloy ito since friends pa rin naman kami ni Kaye," nakangiting sabi ni Dingdong. "Walang malisya âyon, dahil kung ano ang objective na sinimulan namin noon tungkol sa yearly Christmas party na ibinibigay namin sa mga batang cancer patients, ganoon pa rin ngayon." Nagkausap ba sila ni Karylle at totoo bang dinalaw niya ang dating kaisntahan sa recording ng album nito? "Hindi kami masyadong nagkausap dahil naging busy kami," ani Dingdong. "No, not true na dinalaw ko siya sa recording. Noon pa âyon, nang nagre-record siya noong album niya. Matagal nang tapos âyon."- Philippine Entertainment Portal