Rufa Mae cries foul on being dragged to Belo-Hayden breakup
Noong December 28 ay maghaharap sana ang Central Jury ng Showbiz Central na sina Rufa Mae Quinto at Mo Twister. Ito ay may kinalaman sa pagkakadawit ni Rufa Mae sa breakup nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho. Sa mga unang report kasi na lumabas, kabilang na rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal), isa raw si Rufa Mae sa mga babaeng kasama ni Hayden sa sinasabing sex videos na nadiskubre ni Dra. Belo sa laptop ni Hayden. Mariin itong itinanggi nina Rufa Mae at Hayden sa kanilang naunang interviews. Lumabas din sa ibang reports na si Mo diumano ang isa sa mga taong nagdadawit ng pangalan ni Rufa Mae sa paghihiwalay nina Dra. Belo at Hayden. Matalik na kaibigan ng dating magkasintahan si Mo. Simula pa lang ng Showbiz Central ay mapapansin na ang tila paghahamon ni Rufa Mae na magharap sila ni Mo. Although nagpasabi noong una si Mo na didiretso siya sa studio pagdating na pagdating niya mula sa Hong Kong, hindi nakasipot ang DJ-TV host dahil nagkaroon ng problema sa immigration process. Sa huli, si Rufa Mae na lang ang mag-isang humarap sa telebisyon kung saan ang mga co-host niyang sina John "Sweet" Lapus at Raymond Gutierrez ang nag-interview sa kanya. Hindi pa man siya sinisimulang tanungin, halata na ang pagka-emosyunal ni Rufa Mae at umiyak na siya agad. RUFA MAE DEFENDS HERSELF. Ayon kay Raymond, masasabing absuwelto naman na si Rufa Mae. Sa interview kasi ni Hayden ay itinanggi niya na nagkaroon sila ng relasyon ni Rufa Mae, although inamin niya ang brief affair nila ng isa pang Kapuso starâsi Katrina Halili. "Oo nga... Kasi alam n'yo, naiiyak lang naman ako kasi, alam n'yo, mga kaibigan, lahat na lang ng lalaki, kung sinu-sino na, hindi ko naman kakilala. Hindi ko alam kung joke. Nagpapatawa lang naman ako sa harap ng mga tao. Pero yung personal na buhay ko, hindi naman ganoon! "Nakakahiya, kasi ang mga magulang ko, pati pamilya ko, mga kapatid ko, may mga pinag-aralan naman lahat. Nag-aaral po sa matinong school. Matanda na ang lola ko, 83 years old. Ayoko naman silang bigyan ng sama ng loob. So, doon, dun lang ako nahe-hurt," naiiyak na pahayag ng sexy comedienne. Sa dire-diretsong pananalita ni Rufa Mae, inilabas din niya ang isinulat niyang mensahe. Aniya, "Paskong-Pasko pa naman... Isinulat ko na po âto, kasi may tendency ako na ayaw tumigil ng bibig ko. Masyado akong yung feelings ko, sinasabi ko ng lahat." Ito ang nilalaman ng mensaheng isinulat ni Rufa Mae: "Nito pong nakaraang linggo, nadawit po ang pangalan ko sa breakup nina Vicki Belo at Hayden Kho. Nagpapasalamat na rin po ako na mismong si Hayden na ang nagbanggit sa pangalan ng iba. Na para na rin vindication na wala po akong kinalaman sa breakup nila. "Hindi ko po sila kasama sa pelikula. At hindi ko rin po sila sponsors. So, hindi ko po kailangan ang ganitong negative publicity. "Tungkol po sa isyung isa pa raw si Mo sa nagdidiin sa akin sa isyu, gusto ko pong isipin na may mas pagpapahalaga siya sa aming professional relationship. Nasasaktan ako kung totoo man na may mga nasabi si Mo sa akin. Pero kung wala naman, handa naman akong makinig sa kanyang paliwanag at saka apology. "With that, tinatalikuran ko na po itong isyung ito. And I will look forward to a new year na intrigue-free and away-free. Sana po, happy na lang lahat. Sa totoo lang po, kahit naiiyak po ako ngayon, haping-happy po ako. Kung meron pa kayong katanungan, okey lang." NOT AFFECTED. Tinanong ni Sweet si Rufa Mae kung tinawagan ba siya ni Mo para sabihin na, "P-Chi [palayaw ni Rufa Mae], I have a source na isa ka nga raw, other than Katrina." "Tinawagan ko siya dahil una ho, hindi ho ako affected," sabi ni Rufa Mae. "Noong umpisa, nagulat ako sa Desperadas 2 premiere night. Parang, âHa?' Nagulat ako. Tapos, hanggang Pasko, pinag-uusapan pa rin, e, ang layo-layo ko naman dun talaga. Pero hindi lang ako run naiiyak. Pero sorry, nababastusan lang akong talaga. Hindi po ako conservative na tao, pero hindi rin po ganoon ang pagkatao ko. Yun lang." Follow-up question ni Sweet, may tumawaga ba sa kanya isa man sa kampo nina Dra. Belo at Hayden para mag-apologize dahil nadawit ang pangalan niya? "Si Hayden...hindi ko naman close si Dra. Belo," sagot ni Rufa Mae. "Hindi naman kami friends, nothing. Kahit naman kami ni Hayden, hindi rin kami friends, hindi rin kami close. Although bilang Kapuso, magkakilala kami rito at dahil na rin kay DJ Mo, dahil nga palaging nagge-guest dito. "E, ako naman, feeling close naman ako sa lahat! Hindi ba puwede yun? Masama bang makipagkaibigan sa lalaki, di ba?" Sweet asked, ano na ang planong gawin ni Rufa Mae ngayong 2009 para hindi na siya nali-link ng mga reporter kung kani-kaninong boys? "Gusto ko pong... Nirerespeto ko po naman lahat ng intriga dahil artista po ako. Pinasok ko po ito. Pero babae pa rin ako, di ba? Kung anuman ang pagkakamali ko. Dito na po ako lumaki sa industriya magmula ng 16 years old ako. So, kung marami pong na-link sa akin, okey lang naman yun dahil link lang naman, hindi naman ibig sabihin na totoo ng lahat. Kung meron man akong naging totoo man o hindi, hindi ko naman ikinakahiya, inaamin ko naman. "Pero bilang babae po kasi, iniiyakan ko po yun gabi-gabi. Kapag nali-link po ako sa kung kani-kaninong tao. Kasi, hindi ko po talaga alam kung ano ang ginawa ko. Nagbibigay kaligayahan lang po ako sa industriya. Wala po akong tinapakang tao. Mabuti naman ang naging buhay ko sa tingin ko. Maaaring single ako, pero naging mabuti naman ako sa lahat ng tao," saad ni Rufa Mae. Posible kayang dahil sa image na ipinu-project niya kaya siya nali-link kung kani-kaninong lalake? "Siguro po," ani Rufa Mae. "Yung pagiging Booba ko, tinanggap ko na nga kahit bobo na nga ang tingin sa akin. Pananamit ko sa TV, kahit ano po, okey lang. Basta sa loob ng bahay ko, alam ko na nag-alaga ako ng mga magulang ko, buong pamilya ko, at saka nakisama ako sa industriya. So, nakapagbigay ako ng kaligayahan bawat pelikulang ginagawa ko, di ba, Sweet? "At kilala n'yo ako, Raymond. Kayo nga ang kasama ko pagkatapos ng show, di ba? At hindi po ako nanggaling sa kung saan-saan pamilya lang. At saka, mas bata pa sa akin ang mga kapatid ko. Siyempre, mga nag-aaral pa sila. Ayoko naman silang makipag-away sa school. "Anyway, wala po akong sex video at wala po akong kinalaman sa kanilang dalawa," giit ni Rufa Mae. Sa huli, Sweet informed na darating pa rin daw si Mo sa studio at nakikiusap ito na hintayin ni Rufa Mae para makapag-usap sila. - Philippine Entertainment Portal