Dingdong Dantes denies attachment to the remake of Zuma
May lumabas na balita na si Dingdong Dantes daw ang napipisil para gumanap sa remake ng pelikulang Zuma, na unang ginampanan ng character actor na si Max Laurel noong 1985. Ang Zuma ay base sa komiks novel ni Jim Fernandez na tungkol sa isang demigod na may two-headed snakes sa kanyang balikat. Ayon sa mga balitang lumabas, nagkausap na raw si Dingdong at si Direk Carlo J. Caparas, na siya raw magdidirek ng remake ng Zuma. Nagustuhan din daw ni Dingdong ang pagre-remake nito. Pero nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong mismo sa pamamagitan ng text message, itinanggi niyang may nakakausap siya tungkol sa pagre-remake ng Zuma sa pelikula at siya ang gaganap na bida. Ayon kay Dingdong, wala raw siyang alam tungkol dito. Kilala raw niya ang may-akda ng Zuma at minsang napag-usapan nila na maganda nga itong i-remake, pero hindi bilang siya ang gaganap na Zuma. Tinanong din ng PEP ang manager ni Dingdong Dantes na si Perry Lansigan kung totoo nga ba na ire-remake ni Dingdong ang Zuma. Wala raw silang napag-uusapan ng GMA 7 tungkol dito kaya wala siyang masasabing anuman. Ayon sa manager ni Dingdong, "Walang offer, walang whatever. Wala kaming alam tungkol diyan at never na lumabas sa pag-uusap namin." Ang totoo raw, maraming indie films na offer kay Dingdong ngayon na magaganda at interesting naman ang kuwento, pero lahat ay maingat pa nilang pinipili kung ano ang pwedeng tanggapin o gawin ni Dingdong. May inaayos pa rin daw kasing possible movie si Dingdong this year sa GMA Films na muli nilang pagsamahan ni Marian Rivera. Isa raw itong romantic comedy na noon pa ma'y wish na ng fans na gawin nila. Pero bago ito, may unveiling ng bagong billboard ni Dingdong for Bench Body sa may Guadalupe, Edsa. Dingdong is attached to a new project na kapag nagkataon ay siya ang magiging kauna-unahang Filipino actor to come out on that genre. - Philippine Entertainment Portal