PEP: Michelle Madrigal admits crush on Richard Gutierrez
Very vocal si Michelle Madrigal sa pagsasabing crush niya si Richard Gutierrez. "Lahat naman! Sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Chard? Pero ako naman, lalo nung unang lumabas siya sa Click!, sobrang cute!" simula ni Michelle nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Siyempre hindi mo pa nakikita, ang alam mo lang mga anak ni Tita [Annabelle Rama, her manager and Richard's mom], ang nakikita lang natin noon, si Ate Ruffa [Gutierrez] lang, so, sabi ko ano kaya itsura nung mga lalaking anak niya dahil wala pang nag-aartista until lumabas siya, ang cute-cute niya," patuloy pa ni Michelle sa PEP So kapag niligawan ba siya ni Richard, sasagutin niya ito ora mismo? "Grabe naman! Crush pa lang, may ano na agad? Ang tanong, approved ba ako kay Annabelle Rama? Ha-ha-ha! Siyempre kailangan pasado muna dun sa nanay at manager," natatawa pa ring sinabi ni Michelle. Pero sa tingin kaya niya, malaki ang chance na maging sila ni Richard? "Nakakaloka kayo! Bakit hindi bigyan ng pagkakataon? Ha-ha-ha! "Hindi naman natin masasabi, di ba? Hindi mo naman puwedeng sagutin ang isang tao nang hindi kayo magkasundo ng ugali, I mean yung interests ninyo. Marami namang napapagkasunduan bago maging kayo talaga." Masaya si Michelle kapag kasama niya si Richard, lalo pa nga at magkasama sila sa Zorro ng GMA-7. Nakaka-inspire daw katrabaho si Richard. "Pag taping namin, parang ako...like kapag late na, 4 am na, napapapikit na 'ko, 'tapos sila ni Direk Dom [Dominic Zapata, one of Zorro's two directors], sasabihin nila, 'Bagsak na, sayad na ang 'Juana' [Michelle's character]!' "Pero si Chard, lagi kong nakikita na sobrang ganado siya sa trabaho kahit puyat at pagod siya, siya yung laging magsasabi na, 'Tara kaya natin 'to!' ganun siya. At sobrang gentleman, sobrang maasikaso sa lahat ng katrabaho niya." Kaya lalong nadagdagan ang paghanga ni Michelle sa binata. "Oo naman! Siyempre lahat ng tao kapag sikat na sikat ka na, parang isipin nila mayabang, na kapag bago kang artista hindi niya papansinin. Si Chard, hindi! Kahit kay Buboy [child actor Robert Villar]. Like one time nagkaroon kami ng free day kasi yung call time namin hapon pa, nag-jetski kami nina Buboy. "Tapos ang bait-bait ni Chard kay Buboy, sabi niya, 'Buboy gusto mo, angkas ka?' Alam mo yun, na iniintindi niya lahat ng mga kasama niya? Hindi lang siya yung basta, 'Ako magdye-jetski ako, bahala kayong lahat!' Hindi siya ganun. Lahat, siya, ini-invite niya lahat, kami nina TJ [Trinidad], ganun." JUANA. Speaking of Juana, nagkuwento si Michelle tungkol sa character niyang ito sa Zorro. "May challenge siya, kasi si Juana, malalim din yung pinaghuhugutan niya. "Si Juana kasi palaban siya, kasi alam niya na indio siya, taga-silbi siya nina Richard, ng mga Pelaez, na aapihin ni Ramon which is TJ. "Ang importante sa kanya, hindi porke't indio lang siya, e, aapihin na siya. May karapatan din siya, ganyan-ganyan." Sa tunay na buhay, palaban ba si Michelle? "Dun ako makaka-relate kay Juana, kapag sa akin, kapag alam kong nasa tama ako, hindi mo 'ko puwedeng apak-apakan lang. So yun. Yun nakaka-relate ako bilang Juana. - Philippine Entertainment Portal