PEP: Iza Calzado excited over reconstruction of new home
Hindi pa marahil alam ng lahat na isa ring businesswoman ang aktres na si Iza Calzado. Isa siya sa mga may-ari ng hotel-resort sa Boracay, ang The Tides Hotel Boracay na matatagpuan sa Station 2 ng naturang island paradise sa Pilipinas. Kaya naitanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Iza kung kumusta naman siya bilang isang negosyante. "Actually, I want to be honest with you, and I like to be honest, hindi ako magsisinungaling dito... I'm not on the management arm of the hotel, it's more of an investment. Because the ones in-charge of the management are sina Eric Cua, sina Stephen Ku. "Pero if they need my support, I mean like nung December may Christmas something kami, I'm there. Ngayong summer, of course, I will start with the interviews, I will plug the hotel," pahayag ni Iza. May input ba si Iza sa promo o sa design ng hotel? "Siguro nasa pinaka-PR yung input ko. I was just asked to be on board. Kapag nagtatanong naman sila, I also give my opinion. Tsaka kapag nagpupunta ako dun, 'Sabihin ninyo kung ano yung nakikita ninyo na ganito-ganyan.' Kukunin nila ang opinion or suggestions ko." May iba pa bang investments si Iza bukod sa naturang resort-hotel? "Wala pa, e. Just the house. Siguro kapag nakaluwag-luwag na tayo, dun ulit." IZA'S HOUSE. Ang bahay na tinutukoy ni Iza ay ang binili niyang bahay na dating pag-aari ni Rufa Mae Quinto sa Quezon City. Pero hindi pa nakakalipat si Iza sa naturang bahay. "Hindi pa po. Pero nagpunta ako a few weeks ago, we had to do some things." Ipinapa-renovate kasi ni Iza ang bahay. "We started construction February," sabi niya. "Basta iba na talaga 'yung hitsura niya, medyo naging major construction na 'yung dating niya. There were some problems that we needed to fix. Kasi ano siya, third owner na ako. Kasi, there was an owner before Rufa Mae. Kaya hindi naman maiaalis na kailangan mo din siyang ayusin. Like, if that area is anayin, so you just have to be careful. "But nothing naman na ikasasakit ng ulo. I mean, nagkataon lang na mas magiging maaliwalas because we tore down the wall, tapos just the planning of the whole place... Parang dati kasi, there were three bedrooms na may three doors. Ngayon, parang isinara na namin. It has become...para na siyang two bedrooms. "Yung walk-in closet ni Rufa Mae, dati accessible siya kahit from the corridor, even from the bed. I closed it off so that the walk-in closet will just be accessible to the bedroom. Basta, I just cordoned it off. "Hopefully, end of April or mga May, tapos na siya. Kasi meron din naman kaming time limit for the construction," excited na kuwento ni Iza. Nasa 50 percent na ba yung renovation? "Yung skeletal layout ng bahay, oo. Pero everything's new." Nang tanungin ng PEP si Iza kung magkano na so far ang nagagastos niya sa kanyang bahay. Ito ang natatawa niyang sagot: "Huwag na tayong magtanungan tungkol diyan!" Happy si Iza na sa pitong taon niyang pagtatrabaho bilang artista, may naipupundar siya. "Siyempre, nung una, iginagapang ko pa, e. Dyusko, ilang taon bago ako nagkaroon ng kotse?" sabi niya. SWITCHING CHANNELS. Ang unang show ni Iza sa GMA-7 ay ang Kung Mawawala Ka (2001 to 2003). Sa kasalukuyan ay napapanood siya sa All About Eve, na pinagbibidahan nila nina Sunshine Dizon, Alfred Vargas, Mark Anthony Fernandez, Eula Valdes, Jean Garcia, at Richard Gomez. May balita na muntik na siyang umalis sa GMA-7 at lumipat sa ABS-CBN. Totoo ba ito? "May kontrata pa ako. Nagkaroon lang siguro ng kuru-kuro at haka-haka." Did she consider transferring? May offer ba? "Wala namang meeting na naganap," simpleng sagot ni Iza. Kailan mag-e-end ang contract niya with GMA-7? "This year yata." Magre-renew ba siya? "There's an instant option for renewal, just like that JC [de Vera] thing," sabi ni Iza. "Tingnan natin. Kung inaalagaan ka pa rin naman, kung tama pa ba naman yung mga ibinibigay nilang pagkakataon sa 'yo, at tingin mo yun naman ay para sa 'yo, why not? "Timing, minsan timing lang din. Ako naman, ayoko naman ng makakasira ng...yung burn ng bridges ba? I don't want to burn my bridges. Masaya pa naman ako, lalo na dito sa All About Eve. Masaya ako sa opportunity na ibinibigay nila sa akin." - Philippine Entertainment Portal