ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Cesar Montano wants to run as Bohol governor


MANILA, Philippines – Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment portal) kay Cesar Montano, tinanong namin siya kung papasukin niya uli ang pulitika at tatakbong gobernador sa lalawigan ng Bohol. Matatandaang tumakbo si Cesar sa senatorial race noong 2007, ngunit hindi siya pinalad na manalo. "May intention," pag-amin ni Cesar. "If I run, local position na, I prefer local position. Pero sa ngayon, busy ako sa Panaghoy Children's Foundation. Tumutulong kaming magpaaral ng mga batang gustong mag-aral at marami kaming scholar. Ang gustong tumulong, log on to www.panaghoy.org." Kailan siya magde-decide sa pagtakbo? "I heard November 30 ang deadline at proclamation. I have several months to decide. Wala pa rin naman akong party, to be quite honest." May mga paninira na bang lumalabas tungkol sa kanya? "Meron na rin at natutuwa ako dahil ibig sabihin, may threat silang nararamdaman sa akin. Kung wala silang nararamdamang ganun, sasabihin nilang huwag pansinin si Cesar." Kung muli siyang tatakbo, hindi ba mapapagod sa pangangampanya ang misis niyang si Sunshine Cruz? "She's very, very excited," sabi ni Cesar. "Gusto niya ang Bohol, gusto niya ang beach kahit hindi siya umiitim at namumula lang. Kapag nakakakita nga siya ng trash, siya mismo ang pumupulot." Alam ni Cesar na iiwan niya pansamantala ang showbiz 'pag nag-decide siyang tumakbong gobernador at ready na raw siya at ang kanyang pamilya. Iiwan niya ang paghu-host ng The Singing Bee at stop lahat ang showbiz activities niya dahil ipinagbabawal ito ng Commission on Elections (Comelec). "I am ready for that, pero may mga questions lang na dapat pag-usapan," sabi ng aktor. "Hindi problema ang school para sa mga bata dahil maraming good schools sa Bohol. Open din si Sunshine to stay in Bohol at tuwang-tuwa siya dahil walang stress, walang traffic, at masarap ang buhay dun, masarap mag-bike." Back to school Preparation ba sa pagtakbo niya ang pag-e-enrol at pagga-graduate niya ng Mass Communication, major in Broadcasting sa Lyceum of the Philippines? Second degree na ba niya ito? "Yes, second degree ko na ito," pagkumpirma ni Cesar. "Graduate ako ng Civil Engineering. Balak ko ring mag-masters and, if I can, I'll take up Law. Ultimate goal ko is to be a lawyer, like my dad. Frustrated lawyer ako. Itinulak ako ng dad ko sa engineering dahil height noon ng engineering at mabilis silang makapagtrabaho abroad. Pero sa showbiz ako napunta. "Hindi preparation ng pagtakbo ko ang pag-i-enrol ko ng MassCom, nagkataon lang. Matagal ko na siyang balak and it was not a bad idea, lalo na ngayon. It would give motivation sa youngsters na magtapos ng pag-aaral. I hope pati mga artistang hindi pa nakakatapos ng college ay ma-motivate din silang ipagpatuloy ang pag-aaral. "Proud na proud sa akin si Sunshine at isa siya sa na-motivate kong mag-aral uli. Mag-aaral daw siya at sabi ko, good. Maganda ang naisip niya kesa sa bahay lang siya. Good for our children din dahil mamo-motivate silang magtapos. There is no substitute for a good education." Bohol Film Festival Excited si Cesar sa gaganaping Bohol Film Development Organization (BFDO) sa July, na itataon sa anniversary ng Blood Compact. Six films ang naka-lineup na ipalabas at mag-i-invite din sila ng foreign films to be shown sa film festival. "Ang BFDO ang version natin ng Cannes International Film Festival. Ang ultimate goal is to invite films from different countries. May venue for screening, walang problem dun," saad niya. Nabanggit ni Cesar na may inaayos siyang movie for the international market. He is meeting with the casting director and people involved with the production na hindi pa niya pa puwedeng sabihin. May pinaplano rin siyang big movie under his own CM Productions at nasa third draft na sila ng script. Hinayaan ng PEP na si Cesar na ang magkuwento tungkol dito. Aniya, "I'll be directing Eskaya na tungkol sa early alphabet natin. Para siyang Alibata. Pinag-uusapan pa kung gagawin naming Spanish o Japanese era. Eskaya ang main title at ang second title ay Quick Brown Fox. Inilalaban ko sa Amerika, baka makakuha ng big American actor. I need a white guy sa lead role. Istorya ko rin ito." Sinong foreign actor ang gusto niya sana? "I like Brad Pitt or Tom Cruise sana, yung bata para maganda. Ang story kasi ay tungkol sa young and well-to-do successful American in his prime na na-involve sa crime, at ang living witness lang ay native Filipino para mapawalang-sala siya. Hahabulin niya ang native Pinoy at sa kahahabol niya, accidentally, madi-discover niya ang Eskaya. This way, malalaman ng ibang countries na hindi illiterate ang mga Pinoy. "May international showing din ito at 60 percent English siya. Nag-isip ako ng idea na puwedeng English ang salita sa Pinoy movie. Hopefully, makapag-shoot kami sa June. Sa Bohol ang location dahil sa forest, cave, at para ma-promote rin ang Bohol. Nakakainggit ang Japanese na na-preserve ang early language nila; tayo, hindi. Sayang," pagtatapos ni Cesar. - Nitz Miralles, PEP.ph