ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lucy Torres-Gomez wants twins next time


Sabik na raw ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres na masundan ang kanilang baby na si Juliana. Ang hiling ni Lucy, maging kambal sana ang kanyang susunod na anak. Galing ang pamilya Gomez sa dalawang linggong bakasyon sa Los Angeles, USA matapos ang matagumpay na GOMA Golf Cup sa Boracay, ayon kay entertainment reporter Lhar Santiago. “Masaya we really needed that break. Sabi ko nga kay Lucy sana at least twice a year makapag-vacation kami lagi," pahayag ni Richard sa Chika Minute portion ng "24 Oras" nitong Martes. “We just had a really really relaxing time. Yung nakalimutan na namin halos…yung feeling na wala talaga kaming iniisip na iba, just enjoy," dagdag naman ni Lucy. Habang nasa Boracay ang pamilya Gomez, madalas daw silang tuksuhin ng mga kaibigan na bumuo na ng bagong baby para masundan na si Juliana. Masundan na nga kaya si Juliana ngayon nakapagbakasyon sila ng husto sa US? “Hindi pa natin alam, kauwi pa lang namin," nakangiting sagot ni Richard. “Sana dalawa agad," mabilis namang dugtong ni Lucy. Malapit na rin matapos ang soap ni Richard sa Kapuso Network na “All About Eve." Natapos na rin niya ang Indie film na may titulong “Bente" kung saan kasama niya si Sen Jinggoy Estrada. Habang nagsu-shooting, sinabi ni Richard na hindi naiwasang mapag-usapan nila ni Sen Jinggoy ang nalalapit na eleksyon sa 2010. Tumakbo kaya si Goma? “Hindi ko pa alam kung ano ang plano ko sa 2010, but for now ano lang relax muna ako," ayon sa aktor. - Fidel Jimenez, GMANews.TV