ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Pinay supermodel making waves abroad


Tahimik na gumagawa ngayon ng pangalan sa fashion industry sa US ang isang Pinay super model, at very proud siyang ipakilala ang sarili bilang isang Pinay. Nasa bansa ngayon ang 21-anyos na si Charo Ronquillo para dumalo sa isang linggong Manila Fashion Week na sisimulan sa Mayo 26, ayon kay entertainment reporter Lhar Santiago sa kanyang ulat Chika Minute portion ng "24 Oras" nitong Miyerkules. Ayon sa ulat, tinanghal si Charo bilang second runner-up sa prestihiyosong Ford Super Model competition noong 2005 sa New York. Mula noon, wala nang hinto ang dating ng trabaho sa kanya. Rumampa na si Charo sa mga pinakamalalaking pangalan sa fashion industry, at naging cover at feature na rin siya sa mga kilalang fashion magazine sa US. Sa kabila ng kasikatang tinatamasa, hindi ikinakahiya ni Charo na isa siyang Filipina. “Siyempre maganda ang makiramdam and sobrang saya and proud po ako sa Philippines na dito po ako galing," ayon kay Charo, na mula sa Cabuyao, Laguna. Halos linggo-linggo ay hindi raw nababakante si Charo sa trabaho tulad ng mga photo shoot at runway assignments hindi lang sa NY kundi maging sa iba pang lugar. “Schedule ko sa New York siguro po mga three to five days a week ay work, then two days for myself na po 'yun. Relax, shoot, runway, travel," dagdag ng dalaga. Sinabi ni Charo na magandang propesyon ang pagmomodelo dahil malawak ang oportunidad dito. “Siyempre po ‘pag nasa international [scene] ka siyempre iba na yung rate. Then mas maraming work, maraming job, mas maraming opportunity. Tsaka malaki po 'yung industry," komento niya. - GMANews.TV