ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Daiana Meneses: Brazilian model in 'Hayden cam' scandal is my friend


Inamin ni Daiana Meneses, isa sa mga host ng noontime show na “Eat Bulaga," na kaibigan niya ang Brazilian model na kasama sa mga sex video ni Hayden Kho Jr. Sa panayam ni Lhar Santiago, sinabi ni Diana na hanggang ngayon ay hindi pa batid ng kaibigang modelo na mayroon siyang kumakalat na sex video kasama si Hayden. Noon pa raw 2007 umalis ng Pilipinas ang kaibigang Brazilian model at wala raw siyang balak na bumalik sa bansa. Ayon kay Diana, masama ang loob niya kay Hayden dahil sa ginawa nitong pag-video sa kanyang kaibigan na hindi na niya pinangalanan. Idinagdag ng magandang host na mula sa maayos na pamilya sa Brazil ang babae kaya tiyak umanong madidismaya ang mga kaanak ng modelo kapag nalaman ang iskandalo. “I hope she won’t find out kasi she’s from a very good family in Brazil and they will be very disappointed with everything," pahayag ni Diana sa Chika Minute portion ng 24 Oras nitong Biyernes. Ayaw naman daw ni Diana na siya mismo ang magsabi sa kanyang kaibigan tungkol sa sex scandal. Maging sa kanyang pamilya ay hindi umano niya ipinapaalam ang nangyayaring iskandalo sa showbiz ngayon. “Until now I don’t know what to do about it kasi I’m very ashamed for the Philippines kasi she will tell me, why are you still there…kasi ako naman I love this place. I don’t want to tell my family kasi they will tell me go back…," ayon kay Diana. Napanood na raw ni Diana ang video ng kanyang kaibigan at iniiwasan niyang mapag-usapan ito ng kanyang mga kaibigang Brazilian. - Fidel Jimenez, GMANews.TV