Paolo Bediones speaks up about his breakup with Abby Cruz
Pagkatapos ng live presentation ng bagong 16 castaways ng Survivor Philippines: Palau sa grand launch nito noong August 13, naiwan ang host ng show na si Paolo Bediones sa stage para sagutin ang mga katanungan ng entertainment press sa Q&A portion. Isang columnist ang nagpasintabi kay Paolo kung puwedeng magtanong ng personal question. "Sure, I'll be glad to," ang tugon ni Paolo, sabay birong silang dalawa lang naman ang nasa loob ng napakalaking Studio 5 ng GMA Network Center. Ang tanong: "You broke up with your girlfriend, a few days before you go to Palau or a week. How did you cope with the heartache while you were in the island?" Ang sagot ni Paolo, nahirapan daw talaga siya dahil nagkataong nasa Palau siya noon para sa taping ng second season ng Survivor Philippines. Pero malaki ang naitulong ng trabaho niya para gumaan kahit papaano ang nararamdaman niya at hindi niya maisip ang tungkol sa breakup nila. Ang binabanggit na girlfriend ni Paolo ay ang Binibining Pilipinas alumna na si Abigail Leslie "Abby" Cruz. Nanalo as second runner-up at Best in Swimsuit si Abby sa Bb. Pilipinas noong 2007 si Abby. Sumali siya ulit this year, pero hindi siya nakasama kahit sa semifinals man lang. Pumasok din sa showbiz si Abby at nakasama siya sa cast ng GMA teleserye na Lupin, na pinagbidahan ni Richard Gutierrez noong 2007. REASON OF BREAKUP. Muling inulit ni Paolo ang kanyang sagot tungkol sa breakup nila ni Abby nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press pagkatapos ng presscon. At dito ay nahingan na siya ng mas mahabang pahayag at pagpapaliwanag tungkol sa naturang isyu. "It was very hard," umpisa niya. "I told you, yung communication, napakahirap. Nandun kami sa isla, walang Internet, tapos wala ring cellphone signal. And I knew that nahihirapan siya. And mas nahihirapan siya because ako, I have work to do na puwede kong tutukan, e, para kahit paano malibang or whatever. But when I go home at night, ayokong mag-isa, e. Kaya lagi akong kasama ng mga staff at ayoko ring mag-isa na iniisip ko rin yun. But when we communicate, pinapaalam niya rin sa akin na nahihirapan din siya." Gaano katagal ang inabot ng relationship nila? "Two years na kami," sagot niya. Pero gaano katagal na yung breakup nila bago siya umalis patungong Palau? "Mga a week before naging official. But siguro two or three weeks before that pinag-uusapan na namin," banggit ni Paolo. Ano ang reason ng breakup? "Definitely, it's not a third party," sabi niya. "Definitely it's not because nag-away kami or what. It's really... mutually we agreed upon it na let's work on the friendship. Kasi sometimes in a relationship, mas naging focus tayo masyado dun sa pagiging magkasintahan, nakakalimutan na natin yung pagiging magkaibigan. So, doors are not being closed." Hindi pa satisfied ang press kaya pinilit pa ring itanong kay Paolo ang reason ng breakup nila. "Sa amin na yun kung ano yung reason. Very personal reason," iwas niya. "But definitely, nothing bad na puwede mong i-categorize na, 'Oh, my God, ano ba?' It was a very pleasant deciding na mag-remain as friends." STILL FRIENDS. So, friends pa rin pala sila? "Yeah. And I think yun ang pinakaimportante. Because once you have the friendship, anything can happen in the future," ani Paolo. Pero nung wala siya sa Pilipinas, ano ang naramdaman niya o naiisip niya para kay Abby? "You know what? Naawa ako sa kanya," sagot ng veteran TV host. "Kasi number one, wala ako rito para humarap sa inyo. Ako yung dapat humarap, e, hindi siya. And I told her, 'You don't have to. Wait for me to go back para ako na ang humarap.' On her part naman, parang nahirapan siya kasi ang dami niyang naririnig, minsan lalabas sa TV." Siya ba ang nagsabi kay Abby na huwag munang magpa-interview? "No, I asked her, 'What do you want to do? Do you want to talk to them [press]? Go ahead, if you want talk to them.' Sabi niya, 'Huwag muna.' And I think that's the most ideal kasi ako dapat yung magsalita. Ako yung lalake." - Philippine Entertainment Portal