ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
iGMA: Marian Rivera says group effort behind Darna success
Now on its third week, patuloy na namamayagpag ang âDarna" sa primetime. At sa tuluy-tuloy na pag-ani ng tagumpay, show star Marian Rivera attributes its success to exceptional team effort. "Thank you at happy kami. Siyempre sa kahit anong project din ay mahirap mag-expect ng sobra-sobra. Kaya kung anuman âyung dumating, at kung binigyan man kami ng ganung ratings ay talagang thankful kami," sambit ni Marian nang bisitahin siya ng iGMA sa set ng Darna sa Bulacan kamakailan. Sa muling paglipad ng Pinay superhero, kasabay nito ang sigla sa GMA Telebabad block as the other primetime shows consistently post impressive numbers, as well. Of course, natuwa naman ang prime time queen sa naturang balita. "Tulad nga ng sinabi nila, may mga times na bumaba, pero hindi naman sobrang baba, pero ngayon na lang ulit nakakuha ng ganitong ratings ang prime time natin so happy pa rin 'di ba? Ang importante nagre-rate pa rin siya," ayon sa dalaga. Pero iginiit ng tinaguriang Queen of Primetime na hindi lang siya ang pinapanood ng mga viewers sa Darna. "Ayaw ko naman din sabihin na dahil din sa akin nag-rate ang Darna. Kung ganoon ang interprestayon nila na hinihatak ko ang Darna, thank you. Pero ako nakikita ko kasi ang mga tao dito [sa set], lalo na ang mga cast, na talaga namang naghihirap," paliwanang niya. "Still mahirap pa rin yung [role] sa akin. Pero, hindi lang ako âyung nahihirapan, kasi halos lahat naman ng cast nagtulong-tulong para mapaganda ito," idinagdag niya. Narda at Darna At bilang patunay sa challenges na hinarap niya bilang si Narda at Darna, ikinuwento ni Marian na malaki ang pagkakaiba talaga ng kanyang pinaghuhugutan ng dalawang roles. "Kapag Narda ako ibang-iba ang itsura ko at character ko. [At] âpag nag-Darna [naman] at nakikipag-fight scene ako, sobrang nagta-transform talaga 'yung character ko," pahayag niya. Binanggit din namin ang talagang inabangan na eksena kung saan tinanggap na ni Narda ang responsibilidad ng pagiging superhero at ang naging kakaibang approach ng production team dito. Malaki ang ibinigay na credit ni Marian kay Direk Dominic Zapata at sa creative team behind the scenes. "Yung ikinaganda din kasi si Direk Dom, madami na siyang nagawang [telefantasya] na ganito. Alam na niya this time kung ano âyung mas maganda na approach para gawing kaaya-aya sa mga manonood lalo na sa mga bata," tugon ng aktres. "Thankful din ako kay Direk kasi hindi niya pinakawalan yung mga eksena at ginawa niyang mas maganda pa lalo. Nag-iisip talaga siya ng bangong anggulo, bagong approach, bagong atake dun sa mga kalaban [ko]," idinagdag niya. Ano pa nga ba ang masasabi ni Marian sa inaani niyang tagumpay kasama ang mga masugid na Kapuso viewers? "Ang importante eh napatunayan namin na minahal uli ng mga tao si Darna, 'yon 'yung mahalaga doon, na pinanood at sinusubaybayan din nila," sagot niya. - Erick Mataverde, iGMA Tags: marianrivera, darna
More Videos
Most Popular