ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Rhian Ramos: No to someone who is already taken
Inamin ni Rhian Ramos na crush niya si Dingdong Dantes na katambal niya ngayon sa bagong soap sa GMA 7 na Stairway To Heaven pero wala raw dapat ipangamba si Marian Rivera. Dahil sa mga nakaraang pangyayari na napapalapit si Dingdong Dantes sa kanyang mga naging leading lady, may mga espekulasyon na mahulog din ang loob ng binata sa magandang si Rhian Ramos na katambal niya ngayon sa bagong soap sa GMA 7 na Stairway To Heaven. Ngunit ngayon pa lang, tiniyak ni Rhian na hindi sila magkaroon ng problema ni Marian Rivera na napapabalitang nobya ni Dingdong hindi saw siya pumapatol sa mga lalaking "taken na." Subalit inamin din naman ng young actress na crush niya si Dingdong. Sinabi rin ni Rhian sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na umaasa siyang susuportahan ng fans nina Marian at Dingdong ang proyektong pagsasamahan nila ng hunk actor. "Siguro, nae-expect ko naman na kung ano ang nakukuha kong reaction galing sa fans ko, nakukuha rin nila ang ganoong reaction sa fans nila. Pero ang nakuha ko naman ding promise sa fans ko ay susuportahan nila kahit sino ang partner ko. Ganoon naman ang totoong fans. So, kung gusto nilang suportahan ang idol nila ay gagawin nila kahit sino pa ang ka-partner," ayon sa dalaga. "I hope naman na yung Dingdong-Marian fans ay susuportahan din ang project na ito. Siyempre, hindi naman ako ang magdedesisyon para sa kanila. Pero, siyempre, nandoon yung hope na maging open-minded tayo para sa Stairway. Hindi naman kasi kami loveteam ni Dingdong, partners kami para sa project na ito," idinagdag ni Rhian. Sambit pa niya: "Siyempre, hindi ko naman sinasabi na I'm taking anyone's place, hindi naman kasi kami loveteam. Sila [Dingdong and Marian] ang loveteam, understood na natin 'yan, pero partners kami para sa project na ito." So, walang dapat ipag-alala si Marian? "Lahat naman ng ito ay trabaho lang, e, in the same way na may partner din siya ngayon. Nagtatrabaho lang din naman sila and nagtatrabaho lang din naman ako," sagot ni Rhian, na ang tinutukoy ay ang tambalang Marian Rivera at Mark Anthony Fernandez sa Darna. FALLING FOR DINGDONG. Pero kung sakaling wala si Marian, magkalapit kaya sila ng loob ni Dingdong? "Ay malay, hindi ko alam, e," nakangiting reaksiyon niya. "Kasi, as of now, mga more than one week pa lang kami nagsasama sa trabaho. So, paano ba 'yon sasabihin? Hindi pa kami lubos na magkakilala? So, hanggang doon lang ako sa hindi ko alam, kasi hindi talaga ako tumitingin sa lalaking taken na." Noong may relasyon kasi sina Karylle at Dingdong ay nabaling ang atensiyon ni Dingdong kay Marian nang magsama sila sa project, hindi kaya mangyari rin 'yon sa kanila ng leading man niya sa Stairway To Heaven? "Hindi naman ako nakakakita ng pattern, at wala naman talagang nakakaalam kung ano ang nangyari noon, kung bakit sila nag-break. Walang nakakaalam nun, sila [Dingdong-Karylle] lang," saad ng magandang young star. Posible ba siyang ma-in love kay Dingdong? "Posible, pero hindi... How should I say this? Hindi kasi ako ang tipo ng tao na gustong ma-in love sa mga taong hindi puwede sa akin. Kung hindi naman para sa akin yung tao, ayaw ko," maingat na sagot ni Rhian. Crush ba niya sa Dingdong? "To an extent, dahil siguro humahanga ako dahil magaling siyang umarte. Pero wala akong masyadong alam tungkol sa personality niya, so far, ha... Makikilala ko rin siya...," paglilinaw nito. Pero nagsasalita ba siya nang patapos na hindi talaga siya mai-in love kay Dingdong? For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV "Siyempre, hindi naman ako puwedeng magsalita na parang ito ang future dahil hindi naman ako psychic. So, hindi ako magsasalita ng tapos, pero ang masasabi ko lang, kung hindi para sa akin, ayaw ko. Ang gusto ko lang makuha ay yung para sa akin lang," sagot pa ni Rhian. Hindi rin umano siya matatakot kung mahulog man ang kanyang loob kay Dingdong as long as na may kinalaman ito sa kanilang proyekto. Ngunit kung ang pagkakahulog niya ay sa labas ng trabaho, doon na mangangamba ang dalaga. Ibig bang sabihin ay takot siya kay Marian? "Not really, kasi I know she's a passionate person and I know she's understanding. So, parang dahil sa tingin ko ay wala siyang dahilan para magalit, wala akong dahilan para matakot," sagot ni Rhian. SEXIEST MAN IN THE PHILIPPINES. One to ten, paano niya ide-describe si Dingdong physically? "Bilang siya ang sexiest man in the Philippines, according to... âdi ba, nasa countdown pa siya sa States, pinapanood ko 'yon, e. So, No. 3 siya in the world, tama ba ako? Number three siya in the world, so siguro naman ay umabot siya sa 10. Bilang sexiest man in the Philippines, alam naman nating lahat na guwapo siya, e," nakangitng tugon ni Rhian. Mabilis din namang nilinaw ni Rhian na sexy rin para sa kanya ang dating kaparehang si Richard Gutierrez sa Zorro. So sino ang mas sexy between Richard and Dingdong? "Wala! Nice try," nakatawang saad ni Rhian. "Walang mas sexy para sa akin. Kasi sa tingin ko, pareho lang silang sexy. Kasi hindi ko binibigyan ng labels ang mga partner ko, ang tingin ko kasi sa mga partner ay partners!" RHIAN LIKES MEN... Baka naman isipin na naman ng iba na tomboy siya? "I hope not!" tawa ni Rhian. "I hope not, I think I like guys. Actually, sure ako na mahilig ako sa lalaki. Tumitingin ako sa lalaki lang, hindi sa babae." Ano ang reaction niya 'pag pinagbibintangan siyang tomboy? "Natatawa, pero hindi nagi-guilty! Pero ayos lang, kasi sa tingin ko naman na walang nag-iisip nun na seryosong-seryoso, lalo na at kung anu-anong issue ang nakukuha ko. Binansagan na nga akong playgirl... Weird nga 'yon, e, tomboy ang tingin ng iba, tapos 'yong iba ay iniintriga ako na playgirl," ayon sa batang aktres. "Basta ako, gusto ko sa lalaki at hindi sa babae, pero hindi ako nanghahabol ng lalaki. I like guys, versus girls. Gusto ko magkaroon ng relationship sa lalaki, pero hindi ako nanghahabol at nangongolekta ng lalaki," paggiit pa niya. Pero hindi kaya mag-alala si Marian dahil sa bansag ng iba na "playgirl" siya at ngayon ay talagang todo-bigay siya sa hinihingi ng bawat eksena sa Stairway To Heaven with Dingdong? "Sa tingin ko ay hindi, kasi pareho lang naman kami ng trabaho. Pareho kaming artista, so siyempre alam ko namang maiintindihan niya na nagtatratabaho lang ako at ibinigay lang sa akin ang project na ito at ginagawa ko lang ang trabaho ko," ayon kay Rhian. STAIRWAY TO HEAVEN. Ipinahayag din ni Rhian ang dapat asahan ng televiewers sa Stairway To Heaven. "Ang dapat asahan ng mga tao sa project na ito, you will see no less. Ibibigay ko talaga ang buong puso ko sa project na ito. Lahat ng emotions na puwede kong ibigay na walang holding back for any reasons, ibibigay ko talaga. Yung karakter kasi ni Jodi na ipe-play ko, ganoon siya ka-passionate, e, ganoon siya kahirap. And I hope na magawa ko ito na maa-appreciate ng Filipino audience," paliwanag nito. "Story-wise, faithful kami to the Koreanovela dahil, siyempre, nare-realize naman namin na maraming fans ang Koreanovela na 'yan at minahal talaga 'yan ng mga Filipino, kaya wala kaming balak na ibahin ang kuwento. And sa tingin ko po, babaha ng luha rito, and sana hindi lang sa mga artista kundi pati sa mga televiewer," pagtatapos ni Rhian.- Nonie V. Nicasio, PEP
More Videos
Most Popular