ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
iGMA: Michael V's new show, It's Showwwtime!
Humanda na sa pinakabagong pakulo ni Michael V sa GMA 7, ang Bitoy's Showwwtime! Starting October 17, mapapanood na natin ang mga kakaibang talent ng mga Pinoy all over the world. Ang Bitoy's Showwwtime ang pinakabagong programa when it comes to discovering new talents. It is hosted by Michael V. as the futuristic emperor na naghahanap ng mga Pinoy talents local or international. Kaya naman good news ito dahil puwedeng sumali ang lahat ng Pinoy sa Bitoyâs Showwwtime nasa Pilipinas man o labas ng bansa. Mayroong four main segments ang Bitoy's Showwwtime: - Talbugan: Live na live na showdown ng wacky o weird na talent. - Videokariran: Ito naman ang labanan ng mga international videos na in-upload sa www.bitoystv.com. Pwedeng performance na traditional (kanta, sayaw, magic act, etc.), pwedeng act na sensational (kumakain ng bubog, apoy, etc.). - Facemuk (sponsored by Canon): Pakapalan ito ng mukha! Puwedeng mag-upload sa www.bitoystv.com ang sinumang Pinoy around the world ng funny, produced skits or videos, upang manalo ng isang Canon video camera! - Gaya Mo âYun?: Para sa mga kababayan natin na mahilig kumanta at sumayaw sa usong kanta, for example âNobody" by the Wonder Girls. Lilibutin ng Bitoyâs Showwwtime ang Metro Manila para kunan ng video ang ibaât ibang grupo, magkakabarkada o magkakatrabaho habang kumakanta at ginagaya ang original version ng kanta. Kaya ano pa ang hinihintay, mag-upload na sa pinakabagong discovery show ng bansa, ang Bitoyâs Showwwtime! na magsisimulang mapanood sa Oktubre 17 sa Kapuso Network. - Loretta G. Ramirez, iGMA Tags: michaelv
More Videos
Most Popular