PEP: Katrina Halili back in Calayan fold as endorser
Bagong taon, bagong buhay... bagong endorser. Iyan ang nangyari kina Katrina Halili at Dr. Manny Calayan. Nakausap namin ang pamangkin ni Dr. Manny, si Lalen Calayan na general manager ng marketing arm ng Calayan Surgicentre, at siya ang nagkuwento sa amin tungkol sa newest celebrity endorser ng Calayan Surgicentre na si Katrina nga. Ayon kay Lalen, anak ng nakatatandang kapatid ni Dr. Manny, last year pa nila dapat ginawang pormal ang pagiging endorser ni Katrina. Hindi nga lang ito natuloy dahil pumutok ang sex video scandal nina Katrina at Hayden Kho Jr. "Nung may nagsabi sa amin na si Katrina parang wants to go back [to us], kami siyempre gusto namin, kasi sa amin naman talaga siya galing. Kaso ayaw namin na parang isipin ng iba na nakiki-ride on kami sa controversy... "So, ngayon since tahimik na, lumipas na, since wala na, ayos na... ang ibig kong sabihin, may mga governing bodies na umaayos, like NBI [National Bureau of Investigation], PRC [Professional Regulation Commission], meron nang mga ganun. Hindi na talaga sila yung bangayan sa media." LIKE FAMILY. Isa si Sunshine Dizon sa naging instrumento sa pagiging official Calayan baby ni Katrina. "Best friend niya 'yan sa showbiz. Sinabi niya sa amin na si Kat babalik. Sabi namin, sige, go. Kaya ayun, ayos na." Ang kontrata ni Katrina ay originally isang taon, pero ginawa itong three years, na "puwedeng putulin, puwedeng i-extend... hindi kami strict sa contract..." Kay Sunshine ay wala silang pirmadong contract. "Yeah, hindi nga kami strict sa ganun... Kami, we treat our endorsers as pamilya. Hindi parang negosyo lang na parang babayaran mo tapos gumagamit sila ng services, hindi ganu'n," pahayag ni Lalen. Skin care ang ie-endorso ni Katrina. "Kasama rin dapat ang slimming, e, Diyos ko naman, ang payat na ni Katrina, ano pa ang ipapa-slim sa kanya?" BOOSTING SELF-ESTEEM. Ano ang nakikita ng mga Calayans na advantage kay Katrina bilang isang endorser? "Well, siyempre kasi ang cosmetic surgery 'tsaka derma, yung beauty enhancement, that's one way of improving your self-esteem, your self-confidence. "Siyempre 'pag kumuha ka ng endorser na low-spirited, na mababa ang self-confidence, it's part of enhancing yun." Hindi nila tiningnan in a negative way ang eskandalong pinagdaanan ni Katrina. "Ano kasi kami, non-conformist kami, non-traditional kami. Normally, ang mga negosyante 'tsaka yung ibang mga tao, ang kinukuha nila yung mga sikat, yung patok na patok, yung walang nega. "Minsan hindi naman ganun yun e. Hindi naman siya yung parang komo may nega you're gonna close the doors na sa kanya, hindi ganu'n yun. "'Tsaka ewan ko, parang naging trademark na ng uncle ko na mas happy siya sa ganun, yung parang siya yung nagre-rescue sa mga may pinagdaanan na problema. Ganun talaga siya, e." They have nothing against Hayden daw. "Wala, kapwa doctor 'yan, e. 'Tsaka, Diyos ko naman, business-business lang 'yan. Sa personal na buhay hindi naman talaga 'yan magkakumpetensiya." Magkano naman ang talent fee ng kontrobersiyal na aktres? "Wala, for the love of lang. Ganun naman kami sa lahat ng endorsers, puro for the love of." OTHER CELEBRITY ENDORSERS. Napag-alaman ng PEP na isa rin sa kanilang magiging celebrity endorser ay si Billy Crawford. "Ilo-launch pa lang. We got him nito lang December, with contract... One year to one and a half years. Sa skincare din siya." Hindi sila nahirapan na kunin si Billie. "Hindi! Alaga siya ni Tito Arnold Vegafria. Si Tito Arnold parang pamilya na natin 'yan." Ang iba pang mga alaga ni Arnold na sina Jay-R, Iya Villania at Pops Fernandez ay mga Calayan babies rin. Nasa States ngayon si Dr. Calayan na may branch ng Surgicentre doon. "Madami kasing pasyente sa Beverly Hills. Grabe rin ang pagka-busy nila doon." Pero sa pagbabalik niya sa February ay ilo-launch na nang bonggang-bongga sina Katrina at Billy. FOREIGN ENDORSERS. Kinumpirma rin ni Lalen na maayos na ang kundisyon ni Dra. Pie, ang asawa ni Dr. Manny, na iniintrigang lubhang maysakit kaya ayaw nang umuwi sa Pilipinas. "Magaling na, matagal nang magaling," sabi ni Lalen. Nagkasakit last year si duktora ng adrenal fatigue syndrome, dulot ng hormonal imbalance. "Yung mga Pinoy na nagpupunta [sa US clinic]... nakakaharap nila si Dra. Pie." Sa summer daw uuwi si Dra. Pie sa Pilipinas. Ititiyempo sa bakasyon ng dalawang anak na sina Hannah at Bernice na nasa States nag-aaral. PEP (Philippine Entertainment Portal) found out na may mga sorpresang new endorsers pang kukunin ang Calayan Surgicentre this year. "Foreign. Hindi pa puwedeng i-reveal, e. Maraming bongga from here, pero yung medyo naiiba, foreign." Babae o lalake? "May babae, may lalake." So dalawang foreign celebrities? "Puwedeng maging tatlo or apat pa nga, e. May wino-work out pa kami na iba pang foreign celebrities para maging endorser." - Philippine Entertainment Portal