Simula pa lang ng
StarStruck V, kinilalang threat agad si SarahLahbati ng kanyang mga co-survivors. Pero aminado ang dalaga na somewhere in the middle, she started to lose heart. "Parang nawalan lang ako ng gana dahil sa mga bad comments, at mga negative comments," she said, sabay dagdag na, "pero bandang gitna lang po âyun." Pero ngayon ay okay na raw ang dalaga at ready to fight na. At bago pa man siya sumali sa
StarStruck, may experience na si Sarah sa entertainment world. She was a choir member in Switzerland, and this definitely helped her sa kanyang mga performances sa competition. "Siyempre, kasi kung hindi po ako kumakanta sa church before, 'di wala po kong experience na kumanta sa harap ng maraming tao," paliwanag niya. And experience is really helpful for someone who doesn't come out of her shell all the time. Kuwento nga ni Sarah, tahimik lang daw talaga siyang tao. "Ako 'yung, kapag pupunta sa isang lugar na maraming tao, [ako 'yung] walang kausap. Okay lang sa akin na nasa gilid lang." And this is why, Sarah tells us, "lahat ng ginagawa ko, lahat iniisip ko bago ko gawin." Dagdag ni Sarah,
StarStruck helped her get over this a little. "Mas naging strong ako rito; mas lumakas 'yung loob ko." Sarah said she's more impulsive na rin ngayon. "Talagang sugod, go lang ako. Kung ano 'yung gusto kong gawin, ginagawa ko na, as long as tama, at alam kong makakabuti sa akin." She even goes on to say na mas lumawak ang kanyang pag-iisip ngayon. "Yung goal ko kasi dati, parang okay na ako pag ganito lang ako." Through
StarStruck, according to Sarah, "mas nag-mature ako, mas naging responsible." At kung dati, Sarah's fashion statement consists of a pair of jeans and a t-shirt, at nakatali lang ang buhok, ngayon natututo na siyang mag-ayos ng sarli. "Hindi pa rin ako sanay," Sarah admitted, tungkol sa kanyang pagiging mas fashion savvy. "Sa ngayon, parang tina-try ko pa lang na magbihis ng maayos, at saka make-up, at konting ayos sa hair."
The Ultimate Female Survivor? "Hindi ako 'yung another good-looking girl na pa-cute lang ang maibibigay sa tao." âYan ang statement ni Sarah nang tanungin namin kung ano ang edge niya to win the Ultimate Female Survivor title. Pero, aminado rin si Sarah na kinakabahan siya talaga lalo pa't kaunti na lang ang natitirang mga araw bago ang Final Judgment. "Pero marami pong nagsasabi [sa akin], 'i-enjoy mo lang âyan. âWag ka masyadong stressed.' Kasi ako po 'yung taong laging kinakabahan, laging stressed." Kaya naman ang advice sa kanya lagi, she shared, is to just give her best always, and to pray. At sa lahat ng mga sumusuporta kay Sarah from the start of
StarStruck, ito ang kanyang mensahe: "Sa lahat ng Amis de Sarah, sa lahat ng naniniwala sa akin, gusto ko lang magpasalamat. Thank you talaga, kasi lagi silang nandiyan for me. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala, âyun nga sa mga mall daming sumisigaw? So thank you, thank you. Sa lahat na nagme-message sa Facebook sa internet, basta everywhere, maraming, maraming salamat. Sana patuloy niyo akong suportahan." Ang Final Judgment ay magaganap sa February 21 sa Araneta Coliseum. Patuloy ding subaybayan ang StarStruck ShoutOut araw-araw, and the final
StarStruck V episode on Saturday, after
Pinoy Records. -
Reina M. Pagaduan, iGMA