ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: A stronger bond between Jennica and Jean Garcia


In 'Ina, Kasusuklaman ba Kita?', Jean and Jennica Garcia emulate real life by portraying the roles of a mother and daughter. Pero that's where similarities end dahil unlike their characters, they are very open sa isa't-isa. But how will their series change their dynamics between mother and daughter? Jennica said na kung may nagawa man ang Ina, Kasusuklaman ba Kita? sa relationship niya sa kanyang ina, ito ay ang napalakas ang kanilang bonding at relasyon. "Kasi, siyempre, may chance kami para alagaan 'yung isa't-isa; kung sino man ang pagod na, o hindi pa 'di ba?" Jennica said. Prior to this project, the young actress admitted na, "bihira na kasi kami magkita e. Lalo na nung Adik Sa 'Yo days. Kasi ‘pag may trabaho ako, nasa bahay siya, and vice versa." Pero sa Ina… sabay daw silang mag-ina na malakas ang energy na pupunta ng taping, [at] sabay din na uuwi na low-batt na sa bahay. "O 'di ba, ayos na ayos. Ngayon (sabay) matutulog kami sabay din ang gising kasi parehong puyat." Jennica added. Malaki raw ang kaibahan nito before na, "umaga nasa trabaho ako, nasa bahay siya. Pag-uwi ko, tulog na. So wala akong choice kundi matulog na lang din." Pagbisto pa ni Jennica, ang isang secret ng kanyang ina ay ang pagiging mahirap nitong gisingin. “Kapag kunwari naglalambing ako, galing akong taping, 'di ba. ‘Punta akong kuwarto; 'Ma, nood tayo ng DVD.' 'Mmhmm,' gumaganoon lang," kwento niya. "Tapos, tulog na ako. Doon ka na sa kuwarto mo.' Ginaganoon ako. 'Bukas na.' Tapos, ako naman, 'Ah, sige, bukas.' Pag-gising mo, wala na—nasa taping na. Tapos, magte-text [ng] 'Anak, kinausap mo ba ako kanina habang natutulog ako? Sabi mo, nood tayo ng DVD? Sige. Pag-uwi ko na lang," mahaba niyang kuwento. Kapag dumating naman daw ang ina at mag-aya na manood, sinabi ni Jennica na siya naman ang tulog. Ngunit dahil sa soap na Ina… laking pasalamat ni Jennica na synchronized na sila sa isa't-isa dahil magkasama sila sa proyekto. Jennica's Best May isang nilinaw si Jennica na hindi niya ibinibigay ang best nina sa Ina, Kasusuklaman Ba Kita? dahil silang mag-ina ang lead stars dito. "Kasi, sa lahat naman [ng roles ko], mapa-supporting man ‘yan o bida, binibigay ko talaga lahat ng makakaya ko. Kasi ito lang ang ginagawa ko ngayon," paliwanag niya. Jennica added that without college that keep her busy, her time is only focused on two things: doing her best sa kanyang acting career, and being the best tutor sa kanyang kapatid na si Kotaro. Kaya naman ang goal niya for her self and her mother is, "yung magampanan namin ng mahusay yung ginagawa namin." Watch Ina, Kasusuklaman Ba Kita? on GMA-7's Dramarama sa Hapon, pagkatapos ng Gumapang Ka sa Lusak. - Jason John S. Lim, iGMA