In '
Almost a Love Story,' Arci Muñoz and Paulo Avelino play the third parties para pigilian ang May-December affairs nina Hannah (Rhian Ramos) at Rommel (TJ Trinidad). At sa totoong buhay, opposing rin ang opinions ng dalawa when it comes to love. "Ito kasi, sa story talaga nito, sa title na
Almost a Love Story, ang dami mo nang maiisip na bagay," panimula ni Arci nang makausap ng iGMA tungkol sa current installment ng
Dear Friend. When asked kung ano ba ang makukuha ng mga viewers from this episode, she said: "Kung talagang mahal mo ang isang tao, you'll fight for it whatever may come between the two of you." Sabi pa ng young actress, ito raw ang nangyayari sa story ng Dear Friend: Almost a Love Story. "Kaya lang, mayroon talagang mga factors na napipigil at pipigil sa kung ano man ang gusto niyong mangyari." In this case, nag-agree si Paulo kay Arci. "It doesn't matter kung ten years pa 'yung [age] difference niyo, kung ten years pang mas bata 'yung isa sa inyo; it all comes down to love e," the young actor said. Para kay Paulo, mahalaga raw na ipaglaban ang nararamdaman ng dalawang tao para sa isa't-isa. "Hanggang saan kayo willing i-take 'yung love ninyo? Ano 'yung gusto ninyong i-explore para may bago lagi sa relationship ninyo?" But that's where they begin to separate in opinion. Arci believes that while you should fight for your love, you should also consider other factors.

"Kasi sa isang relationship, para maging masaya, marami kang kailangan i-consider," Arci said using the story of
Almost a Love Story as an example: "Bata ka, ayaw ng magulang [sa gusto mo]ânangyari din âyan sa akin." In Arci's case, wala naman daw nakulong at pinagbawalan. Pero matindi raw ang bilin na nakuha niya mula sa mga magulang. "Ang magulang ko, hanggang ganito lang sila: 'Mona (Arci's nickname), I'm telling you: I don't like him,'" she shared. Ipinaglaban daw ng dalaga ang kanyang pag-ibig. She told her parents: "I'm gonna prove to you that he's worth everything, that he's worthy my time and my love." Pero Arci admitted na there are times na fathers know best talaga at yun ang isa sa mga natutunan niya. Aniya, next time raw na may manligaw sa kanya, kailangan munang ligawan ang parents niya. Si Paulo naman, ang isa pang nakikita niya sa kuwento ng
Almost a Love Story ay ang lesson on being patient with love: "Like sa character ko," he said. "Kung nandoon talaga 'yung will mo or 'yung tatag ng loob mo na 'maghihintay ako.' Kung nakikita mo naman na nagpe-pay off kahit kaunti, hold on. âWag kayong mawalan ng pag-asa. Madami kang matututunan dahil naghihintay ka, at marami kang malalaman sa sarili mo." Patuloy ang takbo ng kuwento nina Hannah at Rommel sa
Dear Friend: Almost a Love Story. The finale episode airs this Sunday, pagkatapos ng huling episode ng
SOP Fully Charged. -
Jason John S. Lim , iGMA