ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Jennica Garcia talks about her new love team Carl Guevarra


Sa press launch ng pinakabagong story ng ‘Dear Friend: My Stalking Heart, inamin ni Jennica Garcia sa press na wala siyang panahon sa pag-ibig ngayon. Paano na ang bago niyang ka-love team na si Carl Guevarra na napapabalitang may crush sa dalaga? Isa na namang bagong love story ang mapapanood sa Dear Friend, this Sunday (March 7). Starring Jennica at ang bagong Kapuso talent na si Carl. My Stalking Heart is a romantic-comedy na talaga namang magpapakilig sa mga manonood. "Nakakatuwa kasi first time ko makatrabaho si Carl. Tahimk siya pero sa umpisa lang ‘yun. Nasa isang tabi lang siya, ako ‘yung 'hoy, magsalita ka naman diyan!’ Kasi nga mahiyain siya. Pero mabait naman po siya," kuwento ni Jennica bago pa man magsimula ang press launch ng kanyang bagong show. Itinanong din sa kanya kung ano ang masasabi niya sa balitang interesado daw sa kanya ang bagong ka-love team. "Naku umayos nga siya. Joke lang 'yun, hoy! Carl," natatawang reaksiyon ni Jennica. "Ewan ko kung bakit hindi niya ako masyadong makausap ng harapan. Lagi lang siyang tumatawa. Tawa lang siya ng tawa. Kahit hindi ako nagpapatawa. Tawa lang ng tawa iyang si Carl. So siguro naman masaya naman siya kapag nag-uusap kami," dagdag ng dalaga. Pero handa na nga ba sa bagong pag-ibig si Jennica? "Naku new love wala, okay lang po ako," she said. “At saka paano ko iisipin 'yung love ang dami kong eksena araw-araw. Almost everyday pa 'yung taping ko. Tapos noong time pa nga ng Dear Friend nagsasabay. So iisipin ko lang talaga trabaho at tulog." Paliwanag pa niya na mas uunahin na muna niya ang kanyang sarili at pamilya bago pa mag-entertain ng mga suitors. "Siyempre bago yang mga lalaki na ‘yan, sarili ko muna, pamilya ko muna. Ayoko muna [ma-inlove] kasi kagaya ng parati kong sinasabi, naranasan ko nang magkaroon ng boyfriend, okay na ako doon," paliwanag niya. “Yung susunod, kahit matagal siguro okay lang. At saka nandito lang naman ako eh, kung meant to be talaga, meant to be. Kupido hanapin mo ako," pahabol ni Jennica. Dear Friend's My Stalking Heart begins this Sunday, March 7 sa Linggo Bingo ng GMA. - Loretta G Ramirez, iGMA