Isang mas daring at mas sexy na Ryza Cenon ang aabangan ng mga manonood sa kanyang pinakabagong role. Tuloy-tuloy na ang pagpapasexy niyang ito? Ryza ay kakaibang Ryza ang makikita ng mga manonood. Ang kanyang character sa
Langit Sa Piling Mo na si Joy Flores ay ang nawawalang kapatid ni Marj (played by Heart Evangelista ) na estudyante sa umaga at pole dancer sa gabi. Ito na nga kaya ang hudyat ng kanyang tuloy-tuluyang pagpapa-sexy on camera? âHindi naman ibig sabihin na forever ko nang gagawin yung sexy role, hindi naman sa ganun," says Ryza. âSiyempre kailangan ma-try mo rin yung iba-ibang klaseng role." Hindi naman daw siya pinilit ng kahit kanino na magpa-sexy. âPinag-isipan kong mabuti ito bago ako umoo," kuwento niya. âSiyempre may mga limitations pa rin. Hindi kailangan na biglaan." Anong mga preparations kaya ang kanyang ginagawa para sa kanyang mas daring na role na ito? âSa screen talaga, sobrang chubby [ko], so kailangan talagang sa pagkain, medyo discipline muna," she reveals. âHindi pa ako nagte-train [for pole dancing] e. Hindi pa po tapos yung [taping sa]
Gumapang [
Ka Sa Lusak]." Makakatambal naman ni Ryza dito sa
Langit Sa Piling Mo si Tonton Gutierrez. Hindi pa man sila nakakapag-tape ng kanilang mga scenes ay ibinahagi na ni Ryza kung ano ang maaasahan ng mga manonood from her scenes with the seasoned actor. âMeron kaming bed scene ni Mr. Tonton Gutierrez. Kissing scene, meron din. Hindi naman po siguro torrid kasi ang airtime nito, hapon, so hindi pwede yung mga sobrang sexy,"paglalahad niya. âPatay na patay po saâkin si Tonton, pero ayoko po sa kanya. Ginagamit ko siya dahil sa pera lang." Hanggang saan naman kaya ang limitations ng pagpapa-sexy na ito ni Ryza? âHanggang boyleg lang po ako. Hindi po ako magtu-two piece or what," sabi ni Ryza. Wala pa rin daw siyang balak na mag-cover sa FHM kagaya ng ibang mga nagpa-sexy na mga aktres. âDarating naman yun, time will come. Like ngayon, hindi niyo ineexpect na maggaganito ako, kasi I think this is the time para [tumaggap] ako ng role na ganito," she shares. âGagawin ko ito as an actress." Mapapanood niyo si Ryza sa
Langit Sa Piling Mo weekdays before
24 Oras on GMA 7. -
iGMA.tv