Ang Mars Ravelo's
Trudis Liit ang unang project together at unang beses na pinagtambal sina Mike Tan at Maxene Magalona. Kamusta naman kaya ang working relationship nila together. Ang ginagampanang role ni Maxene sa Trudis Liit ay ang papel ng maalagang si Tita Ched ni
Trudis. Pero sino naman kaya ang tumatayong tagapangalaga ni Maxene sa show na ito? âDito sa show inaalagaan ako ni Mike [Tan]," natutuwang sagot ng dalaga sa interview ng
Chika Minute. âKasi naman bruskung-brusko siya. Kita niyo naman âyong katawan niya." Pero ayon kay Max, wala pang nag-aalaga sa kanya in real life. âFamily ko. Boyfriend? âDi ko muna iniisip âyan." Kailangan daw muna niyang mag-focus sa trabaho lalong-lalo na sa
Trudis Liit. Ngunit totoo nga bang naiilang si Mike na makatrabaho siya noâng simula? âLahat naman na makatrabaho ko na first time, especially with Mike. Never ko pa siyang nakatrabaho before in any show tapos ngayon kaagad leading man ko na siya. I understand kung bakit siya kinakabahanâ¦kasi itâs his first leading man role. So what I do as his leading lady, I make him comfortable naâ¦lagi ko sâyang binibiro para light lang kami sa set, na itâs very easy-goingâ¦I think now mas relaxed na sâya pag kasama nâya ako sa eksena," kwento ni Maxene sa isang recent interview. Ayon pa sa dalaga, âdi pa naman daw ganoân ka-intimate ang scenes nila sa show kaya wala pa ring ilangan sa kanilang dalawa pagdating sa tapings. Mga simpleng asaran at away pa lang rin kasi ang eksena nila, pero in the coming weeks ay mas magiging concrete na ang love story nila sa
Trudis Liit. MIKE TAN. Nothing but good words naman ang nasabi ng young actor sa pagtatrabaho niya with Maxene. Bukod sa mabait, kaagad daw na ipinaramdam ng dalaga na magkaibigan sila. âActually ako nga âyong naiilang sa kanya. Nahihiya ako sa kanya," natatawang sagot ng aktor sa
Chika Minute interview. Ngunit paliwanag ni Mike, dahil lang daw âyon sa sobrang kabaitan at magandang pagtanggap sa kanya ni Maxene. Sa isang recent interview naman, naikuwento ng binata na okay na okay naman ang working relationship niya with Max. Nagkakaroon na sila ang asaran sa set at masayang kasama ang dalaga. Ano naman kaya ang mga paghahandang ginawa ni Mike sa kanyang role sa
Trudis Liit? âKung tutuusin, wala akong preparations na nagawa. Medyo kinakapa-kapa ko pa rin for a few weeks. Pero nakapag-adjust na. In short, wala. Walang preparations," pagtatapat niya. In terms naman sa kanyang physical preparations, ang daming nakapansin na gumanda nga ang katawan ng young actor at mas naging leading man ang kanyang dating. âNatural lang âyan," natutuwang sagot ni Mike. âSyempre, nag-gym, nagwo-workout, exercise. Sinusubukan kong ibalik âyong dating pagiging athletic." Dagdag pa ng binata, although maraming nagustuhan ang bago nâyang image, marami rin daw ang nawi-wirduhan dahil hindi sila sanay.
MIKE-MAXENE LOVETEAM. Dahil nga isa ang tambalan nila sa mga inabangan ng mga tao sa palabas na ito, ipinaliwanag ni Mike na wala munang masyadong intimacy na ipinakita sa kanilang loveteam dahil pambata ang
Trudis Liit. âUna sa lahat, pambata âyong show kaya iwas medyo sa sobrang intimate. Kailangan medyo light lang. Pa-tweetums lang," paliwanag niya. Bukod pa rito ay kaunti pa lang din ang nate-taping nila noâng time na âyon kaya wala pa sa show ang istorya nila as loveteam. Ngunit kahit âdi pa ganoân ka-concrete ang story nila sa palabas, magandang feedbacks na ang nakuha ng bagong loveteam na ito mula sa mga manonood. Ano nga ba ang pwedeng i-expect ng mga manonood sa love story nina Mike at Maxene sa
Trudis Liit? âNapi-feel ko na in the coming weeks, magkakaroon na kami ng mga sweet moments kasi nag-formally ask permission na sâya sa dad ko. Nag-aakyat na ng ligawâ¦Soon magkakaroon na kami ng mga [intimate] na eksena," excited na kuwento ni Maxene. Dagdag pa rito, aabangan rin ng mga loyal
Trudis Liit viewers ang pagiging open ng relationship ng characters nilang sina Ched at Migs sa istorya dahil inilabas na ni Migs ang kanyang tunay na nararamdaman para kay Ched. Kilalanin pa lalo ang tambalan nina Maxene at Mike. Mag-log in sa iGMA.tv
Live Chat on July 28 at 2-4PM and send in your questions. Siguradong lalo pa kayong matutuwa dahil may special participation sa Live Chat na ito ang batang minahal na nating lahat â ang bibong-bibong si Jillian Ward a.k.a. Trudis Liit!. -
Ayessa De La Pena, PEP