ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Joey de Leon admits being a fan of Charice Pempengco


Napuno ng hiyawan at palakpakan ang Eat Bulaga nitong Sabado nang mag-perform sa nabanggit na show sa unang pagkakataon ang Pinay international singing sensation na si Charice Pempengco. Dahil unang pagkakataon ni Charice sa Eat Bulaga, hindi nagpahuli sa pag-perform ang ilang host ng nangungunang noontime variety show. Nagpatalbugan sa pagsayaw sa opening number sina Iza Calzado, Ruby Rodriguez, Pauleen Luna at Julia Clarete. Sa ulat ni entertainment reporter Nelson Canlas sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Sabado, ipinakita ang paghagis kay Julia mula sa mataas na lugar, habang nagpaikot-ikot naman sa ere si Pauleen. Lalo namang lumakas ang hiyawan at palakpakan ng mga tao sa loob ng studio nang lumabas na si Charice at kinanta ang kanyang hit song na ‘Pyramid.’
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Iba, iba po talaga. Ang sarap ng reaksiyon ng mga tao kanina. And nakakatuwa yung mga host, sobrang babait po nila," ayon kay Charice. Hiindi nagtagal ay may kumatok sa dressing room ni Charice at nakita niya na ang kanyang bisita ay wala iba kundi ang host at tinaguriang “entertainment guru" ng Pilipinas na si Joey De Leon, na gustong magpa-picture. “Yung mga imported hindi ko pinapansin, (pero) ito," pahayag ni Joey. Kasunod nito ay group picture na kasama ang iba pang hosts at mga staff ng Eat Bulaga. Pero sa kabila ng tinatamong kasikatan, sinabi ni Charice na nananatiling simpleng tao pa rin siya katulad noong bago siya pumasok sa showbiz. “Siyempre focus naman po ako sa work. Pero po kahit papano nagagawa ko pa rin yung gustong gusto (kong gawin), normal life, teenage life talaga," ayon kay Charice. - Fidel Jimenez, GMANews.TV