ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Pauleen Luna wishes to play bida roles in 'dramedy'


Hindi maikakailang isa na sa established kontrabidas ng Kapuso Network si Pauleen Luna. Ang latest project niya ay ang Mars Ravelo's Trudis Liit where she plays the role of Honey, the wife of Nick, played by Cris Villanueva. Ano pa kaya ang aabangan ng viewers sa kanyang role at ang kanyang evil plans para pahirapan pa lalo si Trudis sa drama seryeng ito? "On the fifth week mas gagawa siya ng action doon sa gusto niyang mangyari dahil andami ng characters na pumapasok. Tapos nasisira na 'yong plano niya isa-isa. So mas eager siyang gawin 'yong gusto niyang mangyari," kwento ni Pauleen sa isang recent interview sa set ng Trudis Liit. ON BEING THE KONTRABIDA. Dahil nga first time niyang makatrabaho ang batikang actress and director na si Ms. Gina Alajar, hindi nakaligtas si Pauleen na ma-pressure kapag oras ng trabaho n'ya with Direk Gina. Pero ayon sa kanya, matagal na naman silang naging magkaibigan kaya masaya siyang makatrabaho Ms Gina. As a matter of fact, "tandem" o “tag team" nga daw ang tawag sa kanila sa Trudis Liit dahil bukod sa napaka-effective ng kanilang pagsasama bilang kontrabida, eh mas madali rin ang trabaho nila kasama ang isa't isa. "Andami naming scenes together 'yong puro adlib na puro nakakatawa," ayon kay Pauleen, "Work-wise, sobra kaming compatible kasi we learn how to support each other...open kami sa suggestions ng isa't isa." Marami rin ang natuwa sa chemistry nina Pauleen at Maxene Magalona as bida-kontrabida dahil naging effective nga ito sa istorya. "More often than not, sinasabi naman nila na tinototoo. But kami naman we're just working. Actually, when we're on the set...we actually feel na we're just having fun. Walang tao sa set na 'to na 'Ano ba 'yan, magte-taping na naman.' Lahat, 'Yey! Taping ulit. Kasi sobrang saya ng set namin," paliwanag pa ni Pauleen. Lumabas naman sa PEP.PH ang interview n'ya na nahirapan nga s'ya makatrabaho si Jillian Ward who plays the role of Trudis Liit. "On the first weeks, kailangan s'yang ihiwalay ng tent. Kasi it's very hard na hindi s'ya laruin. She's just too cute," paliwanag ng aktres. Dagdag pa raw rito ang pagiging bata ni Jillian na baka mahirapan s'yang i-differentiate ang totoo sa acting lang. "As time goes by naman natututo na 'yong bata eh. Kapag playtime, playtime. Kapag work time, work time," dagdag ng dalaga. BEING THE BIDA ONCE AGAIN. Kahit pa kilala na si Pauleen bilang kontrabida, ayon sa dalaga, gusto pa rin niyang gampanan ang role ng pagiging bida. "But you know what they say, the challenge is always on the kontrabida. Especially if malayo 'yon sa totoo mong ugali...But who wouldn't want the bida role? Of course, I do. Sana sa next, mabigyan ng chance," paliwanag ni Pauleen. Idinagdag ng aktres nagusto niya ring ma-portray ang isang character sa "dramedy" o 'yong drama na medyo comedy. - Ayessa De La Pena, iGMA.tv