Isinugod sa UST Hospital nitong Biyernes ng tanghali ang Kapuso child actor na si Robert "Buboy" Villar at isa niyang kapatid dahil sa sakit na dengue. Sa panayam sa telepono ng GMANews.TV, sinabi ni Gng Noeme Tamayo, ina ni Buboy, na nasa ICU ang child actor, at kapatid nitong si RonRon. Ayon pa kay Gng Noeme, apat na araw nang nilalagnat si Buboy, habang tatlong araw naman si RonRon - ang batang isinugod sa ospital last year matapos maaksidente sa paputok. Una raw dinala ang magkapatid sa Perpetual hospital pero inirekomendang ilipat sila sa UST dahil mas kompleto ang gamit doon sa pag-asikaso sa mga pasyente na may dengue. Hindi batid ni Gng Noeme kung saan posibleng nakuha ni Buboy ang dengue. Gayunman, nanggaling umano ang batang aktor sa Lucena noong Sabado at naging matamlay ito pag-uwi. Aminado si Gng Noeme na malaking problema nila ngayon ang panggastos dahil malaking halaga ang hinihingi sa kanila ng ospital na kailangan nilang maibigay bukas (Sabado).
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV âSana may makatulong sa amin na kaibigan at nagmamahal kay Buboy dahil malaking halaga ang kailangan namin bukas," pakiusap ng ina ng batang aktor. Sa murang edad, si Buboy ang nagsisilbing breadwinner sa pamilya dahil hiwalay na ang kanyang mga magulang. Nakatakda sanang mag-taping si Buboy nitong Biyernes para sa comedy series na
JejeMon ngunit hindi na ito natuloy sa naging karamdaman ng batang aktor. -
Fidel R Jimenez, GMANews.TV