ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Cesar Montano misses son Angelo


Mas nadarama ni Cesar Montano ang pagkawala ng kanyang anak na si Angelo ngayong malapit na ang Pasko, but a part of Angelo continues to live on and Cesar shares the story. Naging mahirap para kay Cesar ang pagpanaw ng kanyang anak na si Angelo noong nakaraang Marso. Aminado ang premyadong aktor na sa kabila ng kanyang pagiging busy sa Ilumina ay mahirap pa rin para sa kanya ang pagtanggap sa pagkawala nito, lalo na ngayong magpapasko. “Mahirap kalimutan, kasi naging barkada ko e," said Cesar sa isang recent interview with Chika Minute sa 24 Oras. “Naging kasama ko sa lahat ng bagay. Sa pagtatravel, sa kasiyahan, sa kaguluhan, sa kantahan, sa lahat ng bagay, nakasama ko si Angelo." Not too long ago ay nagkuwento si Cesar tungkol sa isang magandang pangyayari na naging daan para patuloy na mabuhay ang isang parte ni Angelo, at isa ito sa kanyang mga pinanghahawakan ngayon. “Merong certain na Mrs. Gaston na nawalan ng paningin, at hindi na makapagturo. And she lost her life, practically, wala nang paningin e. At sinabi sa akin nakapagpaopera ‘to, napalitan ng cornea ang kanyang mata, nakakita ulit, at doon maipagpapatuloy niya ang kanyang pagtuturo sa pagsasayaw, sa mga kabataan at maipagpapatuloy niya ang kanyang buhay ng maayos. At ang sumave sa kanya ay ang cornea ni Angelo," kuwento niya. Dagdag pa ni Cesar, “At least kahit na hindi na si Angelo yun, alam kong yung matang gamit niya, nandoon pa rin. Matititigan pa rin ako ni Angelo, and I’m so happy. I know it’s a big loss for me, pero somebody gained something from Angelo’s loss." Naging consolation nga ang pangyayari na ito para kay Cesar. “Totoo, lumuwag yung pakiramdam ko. Kasi lahat naman may purpose tayo dito. Siguro yun yung purpose ni Angelo," paglalahad niya. “Mahirap mawala ka sa mundong ito ng walang purpose man lang. So si Angelo, nawala siya, ito yung isa sa mga purposes niya." Samantala, ang tanging nagiging lakas ni Cesar ngayon ay hinuhugot niya sa dasal. “Yun lang ang lakas namin e. Without the prayer, we wouldn’t know what to do," pag-amin niya.- Karen de Castro, iGMA.TV