ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Moi reacts about rumors she’s Survivor Philippines celebs edition winner


Nagbigay ng kanyang saloobin si Moi “ Ang Yaya" Marcampo tungkol sa kanyang pagiging fan favorite na manalong unang celebrity sole survivor sa number one reality series na Survivor Philippines: Celebrity Showdown. Could she truly be the one? Usap-usapan ngayon sa mga social networking sites at blogs ang umano’y leak sa winner ng Survivor Philippines. At kahit 12 out of 18 castaways pa ang natitira sa kompetisyon, sinabing ang matitirang “Big 3" ay sina Moi, Karen Delos Reyes and Aubrey Miles.

Pero mukhang sablay ang naturang tsismis dahil si Karen ang pang-lima sa anim na castaways na-eliminate na sa reality series. At isa nga sa mga maituturing na pinakamalakas na players ng Survivor Philippines Celebrity Showdown ngayon si Moi Bien. Maliban kasi sa pagiging isa sa mga pinakamasisipag na tao sa isla, marami rin siyang alam na gawain na makatutulong sa kanilang pamumuhay. Kaya naman siguro itinuturing siyang importante ng kanyang mga tribemates. Dahil dito ay isa siya sa mga fan favorites na manalo bilang first Celebrity Sole Survivor. Ano kaya ang pakiramdam ni Moi tungkol dito? “My God! Ewan ko, hindi ko alam. Wala akong alam sa mga ganyang balita," Moi said. Nagbigay din siya pabirong habilin na, “Panoorin na lang nila, ‘wag silang mag-judge, hindi sila si God. ‘Wag silang umarte diyan, manood sila ng Survivor, ‘wag silang manghula." Hindi ba siya napipikon o sumasama ang loob kapag napag-uusapan kung sino ang mananalo sa season na ito ng Survivor Philippines? “Hindi ako napipikon. Natatakot ako. Baka mamaya bigla akong ma-kidnap diyan," biro niya. “Baka mamaya sabihin nila, nasa’ken na ang P3 million (cash price). Parang, ‘Wait lang, wait lang! Tapusin muna natin ang Survivor ah, bago tayo magsabi ng kung ano man.’" Samantala, linggo-linggo ay pahirap nang pahirap ang mga nagiging challenges ng mga castaways, at hindi naman nagbabago ang kondisyon ng kanilang pamumuhay sa camp. Hindi ba nagkaroon ng trauma si Moi sa kanyang naging experience? “Ako, okay naman ako, wala namang nangyari, bilang sanay naman ako sa ganitong buhay," she shared. “So okay naman ako, matino naman akong kausap." Para malaman ang mga susunod na haharapin ni Moi at ng iba pang castaways sa isla; sino ang susunod na mapapauwi; at kung sino ang tatanghalin bilang kauna-unahang celebrity sole survivor, panoorin ang Survivor Philippines weeknights pagkatapos ng 24 Oras only on GMA Telebabad. – Karen de Castro, iGMA.tv