Kasabay ng 15th year anniversary ng longest-running gag show sa bansa na Bubble Gang, ipinakilala nila ang âBubbletsâ na magdadagdag ng saya sa show. Last week ay idinaos ng Bubble Gang ang presscon para sa kanilang 15th Anniversary celebration. This makes Bubble Gang the longest-running gag show in the country.
Kasabay ng kanilang pagdiriwang ay ipinakilala rin ng
Bubble barkada ang apat na newest additions sa kanilang show, ang naggagandahang talents ng GMA na sina Jackie Rice, Gwen Zamora, Ellen Adarna, at Sam Pinto. Very honored naman ang apat to be part of the show. âMasaya [ako] kasi [ang]
Bubble Gang isa sa pinakamatagal [na shows ng network]. Isa ang Bubble Gang sa maraming bigatin na artista at sobrang blessed ko na part ako ng show na ito na pinapanood talaga ng tao, na matagal na nilang pinapanood," sagot ni Jackie nang tanungin siya kung ano ang nararamdaman niyang mainstay na siya ng show. âHappy, sobrang thankful na nabigyan ako ng chance dito." Dagdag pa niya, âLast year pa rin ako sa
Bubble Gang, kasabayan ko pa sina LJ [Reyes] and Princess Violago. That time mga two months din [akong tumagal sa show], parang sabi ko, âBakit hindi na ako tinatanggal?â Parang natatakot din ako. May fear din na baka matanggal naman ako kaya lagi kong binibigay iyong best ko." Ang bagong talents naman ng GMA na sina Gwen, Ellen, at Sam ay masaya rin to be part of the show which tests their skills in comedy. âIâve been about two months [in the show]. I love it!" ani Gwen. âParang ayoko nang umalis. Iâll stay for good. Kasi the way we do the comedy is just follow the script and then play the role that youâre meant to. The comedy just happens and [itâs a] good practice. Iâve learned so much from Bubble Gang that Iâve taken [those lessons] to other shows." Nireveal rin ni Gwen kung sino ang favorite niya sa
Bubble Gang during the interview: âSi Michael V. po. Kahit on set, kahit nakaupo lang, natatawa ako. Tapos iyong face niya parang character, nade-deform. It turns into the role that heâs playing! Galing! Naaaliw ako." Ayon naman kay Ellen,
Bubble Gang is the perfect start for her acting career dahil na rin light lamang ang feel nito. âItâs very light," paliwanag ng dalaga. âI think for me now, na baguhan pa lang ako, itâs perfect. Kasi itâs not something heavy." Ngunit nilinaw niya, kahit na light lamang ito ay hindi pa rin niya maiwasang ma-pressure dahil kasama nga niya dito ang dalawa sa batikang komedyante ng bansa na sina Michael V. at Ogie Alcasid. âYes, yes [I feel the pressure]. Especially I need to work on acting pa and my Tagalog," sagot niya, âIâm bubbly, Iâm a funny person. Itâs that when Iâm on cam, itâs different. Parang Iâm medyo camera shy pa kaunti. I think I have to get used to the cam."
Bubble Gang, on the other hand, was a surprise for actress Sam Pinto. Hindi akalain ng dalaga na kaya pala niyang mag-comedy. Kaya naman tuwang-tuwa ito na mapabilang sa show. âSa
Bubble Gang, I got surprised with myself. Kaya ko palang mag-comedy!" natatawang sagot niya. âNever ko pang na-try [mag-comedy], dito talaga iyong first time. Masaya naman. Iyong
Bubble Gang sobrang light, the whole production suave lang." Kinuwento rin ni Sam kung gaano siya nahirapan during her first day sa pagpapatawa. âIyong first day ko parang paano ito. âDi ko alam kung anoâng gagawin ko, but after a while theyâre very welcoming. Sila pa nga iyong, âDo this!â They suggest stuff for me to do. Theyâre helping me naman." Panoorin ang Bubblets sa anniversary special ng
Bubble Gang sa GMA Telebabad. -
Ayessa De La Pena, iGMA.TV