ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Joanne Quintas’ special role in Beauty Queen


Former Beauty Queen herself Joanne Quintas opens up about her very special role sa Beauty Queen. Maituturing na isang all-around artist ang beauty queen at actress na si Joanne Quintas. Over the years kasi ay hindi lamang ang mga roles na on-camera ang kanyang nilinang, kundi pati na rin ang mga skills na kailangan behind the scenes. Ang latest na maidadagdag niya sa kanyang mga accomplishments behind the camera ay ang pagiging image consultant para sa show na Beauty Queen. Nakatutulong ba sa kanyang ginagawa ngayon ang kanyang naging experience sa beauty pageants noon? “Opo, kasi alam ko kung ano yung pinagdaanan ko kasi," Joanne said. “Parang yung mga beauty pageants na ito, alam ko yung mga nangyayari sa likod, so alam ko rin yung makeup na pang-beauty pageant. Ayun, tuwang-tuwa naman po ako na ako yung kinuha nila para mag-supervise at magbigay ng mga certain looks para sa ating mga artista dito sa Beauty Queen. Ayon kay Joanne, eleven years na siyang nagme-makeup at nagiging stylist ng kapwa niya artista. Ano kaya ang kanyang nararamdaman sa tuwing ire-request siya ng mga kapwa niya artista? “Naku, sobrang siyempre nakakatuwa naman po na na-request ako," pag-amin niya. “Siyempre po, privilege sa akin yun na talagang sa print-ad nila ako yung mago-groom sa kanila. Kaya irequest niyo na lang po ako ulit!" Maliban sa pagiging image consultant sa Beauty Queen, siya rin ay ang make-up artist ni Raymond Gutierrez para sa Party Pilipinas. “Kapag Sunday wala naman po akong masyadong ginagawa nun, so ayun, na-hire po ako ni Raymond Gutierrez na mag-makeup sa kanya. Pagkatapos po ng Party Pilipinas, diretso po yun ng Showbiz Central. Minsan, mga ibang artista din po mine-make-upan ko po doon." Maliban sa pagiging make-up artist at image consultant, photographer at graphic artist din si Joanne. Hindi ba siya napapagod sa dami ng kanyang ginagawa? “Hindi rin kasi ako nakukuntento na yun lang ang ginagawa ko. Kailangan meron akong pinag-aaralan, pero lahat arts-related din talaga," paglalahad niya. - Karen de Castro, iGMA.TV