PEP: Nilinaw ni Aljur Abrenica ang balitang nililigawan niya ang ABS-CBN star na si Kim Chiu. "Talaga?" balik-tanong niya. "Wala kaming communication!" Diretsa pang sinabi nito na ni hindi pa sila nagkaka-text ni Kim at ni hindi nga niya alam ang number ng young star. Ginawa ni Aljur ang paglilinaw nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa farewell presscon/thanksgiving party ng
Ilumina noong Huwebes, November 11. Inusisa rin namin siya tungkol sa isa pang napapabalitang nililigawan niya na taga-ABS-CBN din. "Iyan, masasagot ko 'yan," sagot ng Kapuso star. "Ang taga-ABS na 'yan is taga-PBB," panimula ni Aljur, na ang tinutukoy ay ang Pinoy Big Brother, ang reality show ng Kapamilya channel, "na hindi ako, hindi ko siya dine-date." Pagpapatuloy niya, "Nataon lang na nakasama ko siya kasi tropa siya ng kapatid ko. "Ang laging lumalabasâyung babaeng 'yon, kapatid ko, at yung isang tropa namin. Lagi silang lumalabas." Ang tinutukoy ni Aljur na babae na taga-PBB ay si April Sioson Sun, isang Koreana. Hindi rin daw nililigawan ng kapatid ni Aljur si April, na nagkakilala naman sa isang gimikan sa Tomas Morato. "Tropa lang talaga," paliwanag ng young actor. Dalawang beses na raw nakasama si Aljur sa paglabas-labas ang mga ito, pero grupo lang sila parati.
DATING STAGE. Kailan siya huling nakipag-date? "Last week," pag-amin niya. "Non-showbiz, non-showbiz. Huwag na lang nating sabihin ang pangalan. Non-showbiz, taga sa amin." Nililigawan na ba niya ang non-showbiz girl? Pagtatapat niya, "Nasa dating [stage] ako, parang, alam mo yun? Hindi ako nag-aano sa isa lang." Marami raw siyang kinikilala ngayon at marami siyang dine-date, tutal daw ay single siya ngayon. Ilan ang dine-date niya? "Hindi ko masasabi, kasi may dumarating, may mawawala. Parang single lang, bachelor lang," nakangiti niyang description sa sarili. Alam ng PEP na magkahalong non-showbiz at taga-showbiz ang mga dine-date ngayon ni Aljur, pero wala siyang inire-reveal na pangalan. Pakiusap nito, "'Tsaka na lang, baka maudlot. Sikreto muna. Pag sinagot na ako, pag nakapili na ako, 'tsaka ko sasabihin sa inyo."
RICH ASUNCION. Kumusta na sila ng rumored ex-girlfriend niyang si Rich Asuncion, na ka-batch niya sa StarStruck 4? "Magkaibigan naman talaga kami," sagot ni Aljur. Totoo bang nag-dinner sila pagkatapos ng Cosmo Bash last August? (Ang Cosmopolitan Philippines ay may event featuring bachelors on the runway taun-taon. Madalas makasama rito ang mga artista at mga modelo na tinitilian ng predominantly female audience. Nitong taon, si Aljur ang dramatic opening number ng Cosmo Bash.) "Oo, niyaya ko siya. Pero marami kami, alam ng mga tao 'yan." Ngayong wala na ang love team nila ni Kris Bernal, sa tingin ba ni Aljur ay puwede na niyang ilantad sa publiko kung may girlfriend siya? O halimbawang maging espesyal uli ang relasyon nila ni Rich? "Ako naman kasi," sagot ng aktor, "kung magkaka-girlfriend talaga ako ngayon, ipapaalam ko sa lahat, kasi ako rin yung mahihirapan, e." Ulit niya, "Kung magkaka-girlfriend ako ngayon, sasabihin ko sa lahat, aamin ako na may girlfriend ako." Sabay dagdag ng, "Pero ngayon, wala, e. Wala talaga akong girlfriend ngayon, single po ako ngayon." Dati ba ay nahirapan siyang magtago, tulad noong na-link niya kay Bianca King? "Wala naman talaga yun," ngiti niya. Ang sinasabi ba niyang nahirapan siyang itago ay yung sa kanila ni Rich noon? "Ang sabi ko, mahihirapan ako, mahirap kasing, ano, magtago!" sagot ni Aljur na natatawa sa tinutungtong ng tanong. But this time? "Wala, wala na akong itinatago ngayon!" deklara niya. Hindi na nila itinatago dahil lately ay nagdi-date na sila ni Rich? "Yung sa amin ni Rich, wala naman talaga," sabi niya, na kung nakukulitan na sa PEP ay hindi nagpapahalata. Pag-uulit niya, "Hindi, kasi pag lumalabas kami, marami kaming kasama. Hindi ko masasabing date talaga, e." -
Rommel Gonzales, PEP