Nagkuwento si Joshua Dionisio tungkol sa kanyang relationship with the rest of the tween stars sa Tween Hearts.
Very successful ang run ng
Reel Love presents Tween Hearts, kaya naman mas matagal pang magkakasama-sama ang mga Tween stars ng GMA. Kabilang na rito ang isa sa original tween royalties na si Joshua. Kamusta naman ang kanilang relationship ngayong matagal-tagal na silang magkakasama ng kanyang mga co-stars sa
Tween Hearts? âOkay naman, kasi mas masaya ngayon, kasi mas marami na kami," Joshua said. âKasi sa
First Time, konti lang kami na main cast. At saka konti na lang kami, tapos marami pang ibang artista. Dito as in minimal characters, puro kami lang talaga. Kasi magkasama kami sa isang tent lang na puro kami lang. Yung mga iba, may ibang lugar. Masaya." Ayon kay Joshua, close na talaga sila ng kanyang mga castmates at hindi na siya nahirapan pang mag-adjust sa mga bago nilang kasama dahil nakasama na niya dati ang karamihan sa mga co-stars niya sa
Tween Hearts. "Actually, matagal na kaming close nina Joyce [Ching] at saka ni Louise [delos Reyes]. Si Derek [Monasterio] lang ang ngayon ko pa lang nakilala. Si Kristoffer [Martin], dati nakatrabaho ko na rin, kaya wala na akong hirap mag-adjust," the young star explained. Ngunit apart from their other tween castmates, ngayon lang din nakatrabaho ni Joshua si Direk Gina Alajar. Kamusta naman ang experience na ito for him? âKinakabahan kaming lahat talaga nung first workshop kasi talaga namang tuwing first na kahit anong bagay, nakakakaba talaga. Pero dahil nga marami na rin kaming experiences sa mga workshop, na-enjoy naman namin. Hindi natapos yung workshop na kabado pa rin kami," kuwento niya. Abangan ang umiinit na mga eksena sa
Reel Love presents Tween Hearts every Sunday after
Party Pilipinas on GMA. -
Karen de Castro, iGMA.TV