Nitong nakaraang December 18 ay naganap ang isa sa mga pinaka-importanteng araw sa buhay ng isa sa mga stars ng Beauty Queen na si Maggie Wilson. Matapos ang controversial pre-nuptial video ay ikinasal na nga si Maggie sa kanyang fiancé na si Victor Consunji.

Naganap ang wedding na ito sa isang private beach resort sa Legazpi, Albay. Ayon kay Maggie, ito talaga ang perfect location para sa kanila. âKasi hindi kami very stiff na tao," kuwento ni Maggie. "Weâre very relaxed, weâre chill people, and mahilig talaga kami sa beach, and gusto namin talaga sa beach. Ayaw namin sa church, kasi gusto namin komportable lahat ng guests namin. Gusto naming mag-enjoy sila lahat na kahit naka-tsinelas, naka-shorts lang." Ayon naman kay Maggie, very thankful siya na si Victor ay naging malaking bahagi ng kanyang buhay. âI grew up more, I realized a lot of things about myself, the good things and the bad things, and Iâve learned so much from him, actually," she shared. "Iâve never thought I could love someone like him, and hindi ko rin naisip na may magmamahal sa akin ng ganoon." Not too long ago naman ay ini-reveal na ni Maggie ang kanyang plano pagkatapos ng kanyang kasal. Magtutuloy-tuloy nga ba ang kanyang career sa acting after her wedding? âMaybe. Baka mag-slow down lang ulit ako after my wedding. Siyempre gusto ko munang i-enjoy yung future husband ko, âdi ba?" she revealed back then. âHindi naman ibig sabihin noon na hihinto talaga ako." She had also said back then na wala namang problema si Victor kung gusto niyang ipagpatuloy ang kanyang showbiz career. âWalang problema ang magiging asawa ko. Heâs very supportive naman sa career ko, so okay lang sa kanya." Ikinuwento niya. "Wala naman siyang sinabi na kailangan kong huminto, or kailangan kong tumigil. Basta kung saan ako happy, happy din siya for me." -
Karen de Castro, iGMA.TV