Sa umpisa ng taon ay isa na namang bagong fantaserye ang ihahatid ng GMA 7 para sa mga Kapuso â ang
Alakdana Magiging exciting ang inyong mga hapon sa pagpasok ng 2011 dahil magsisimula na ngayong Enero ang pinakabagong afternoon drama at fantaserye na inyong aabangan â ang
Alakdana. Ito ang kauna-unahang project ng isa sa mga tween stars mula sa
Tween Hearts na si Louise delos Reyes kung saan gaganap siya sa leading role. âSobrang happy, sobrang blessed kasi pinagkatiwala saâkin ng management ng GMA itong project na ito, isang malaking project na fantasy, so sobrang happy lang talaga ako," said Louise. Ano nga ba ang role na gagampanan niya dito sa
Alakdana? âSi Adana, kapag nagagalit siya, parang lumalabas yung evil side, pero nagagawa lang niya yun kasi napu-push siya, hindi talaga niya gustong maging masama," she revealed. âSimple lang si Adana, maraming pangarap na hindi natutupad. Mabait, mabait na anak, mabait na apo." Makakatambal ni Louise dito si Paulo Avelino na first time na hahawak sa lead role. âMy characterâs name is Billy. Isa siyang lalaking ina-admire ni Louise since childhood. Then biglang mawawala ako, tapos magugulat na lang siya, babalik ako sa probinsya. So yun yung pinanghahawakan niya na sheâs looking forward to na makitang muli," kuwento ni Paulo about his character. Ka-love triangle nila dito ang newcomer na si Alden Richards. Ito ang kauna-unahang show ni Alden, na lumalabas na before sa mga commercials. âAko po dito si Joma. Bale ako po yung magiging best friend ni Adana sa Maynila," ayon kay Alden. âMalay po natin, in the latter part, kami po ang magkatuluyan, pero hindi pa po natin alam." -
Karen de Castro, iGMA.TV