ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: New year, new life for Paulo Avelino


First time na nag-celebrate ng holiday season si Paulo Avelino bilang isang ama. Ano nga ba ang mga plano niya ngayong taon para sa kanyang career at ina ng kanyang baby na si LJ Reyes? “Last Christmas celebration was very fun and simple. I just had dinner in Baguio and a little, konting usap lang with my parents and with my other relatives," shared Paulo. Ano naman ang pakiramdam niya sa kanyang first holiday bilang isang ama kay Ethan Akio? “It’s fun and I can’t explain the feeling," sagot niya. “I feel like I’m on a different level now, different from being single and reckless." Samantala, he wants to keep his New Year’s resolutions a surprise, pero tinitiyak niyang maraming aabangan ang mga fans niya sa kanya na pagbabago ngayong taon. “New Year’s resolution, as of now, I don’t want to share it, it’s for myself. But I have new goals, I have new targets, new things to show and bring out next year na plano kong planuhin at gawin para sa susunod na taon." Sa huling interview nila ni LJ Reyes with Startalk TX, nagkuwento si LJ tungkol sa mga binabalak nila ni Paulo para sa kanilang anak na si Aki. Ano naman ang masasabi ni Paulo tungkol sa mga planong ito? “We’re planning things for him, but as much as possible, I wanna separate my personal life from my work so meron pero you’ll know pretty soon," said Paulo with a hint of excitement sa kanyang tono. Of course, hindi naman maiiwasang tanungin kung may balak na silang magpakasal ni LJ ngayong taon. Will they be taking their relationship to the next level? “As of now, I can say that if things will go well, that will permit me and give us a chance, if it happens, it happens. Steady muna," pahayag niya. Abangan si Paulo sa afternoon series ng GMA 7 na Alakdana katambal si Louise delos Reyes. - Karen de Castro, iGMA.TV