![](http://blogs.gmanews.tv/yourvox/wp-content/uploads/2011/01/new-zodiac.jpg)
With the addition of the 13th sign, Ophiuchus, astrology fans wonder how the new sign will fit in. Art by Analyn Perez
Tulad ng karaniwang tao, maraming celebrities ang nagbabasa ng kanilang horoscope. At sa
Startalk TX nitong Sabado, ilan sa kanila ang nagbigay ng pananaw tungkol sa bagong listahan ng zodiac signs na mainit na pinag-uusapan ngayon. Dahil sa pagbabago ng constellation sanhi ng hatak ng buwan sa ating mundo, ang dating zodiac signs na 12 na nababasa sa horoscope, 13 na ngayon. Nadagdag sa listahan ang âOphiuchus." Ang Ophiuchus ay sinasabing mga ipinanganak mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 17. Inilalarawan sila na may kakayahang magpagaling, malakas ang kutob at mahusay sa dream interpretation. Ilan Kapuso stars ang
ipinanganak sa zodiac sign na Ophiuchus. Kabilang na dito ang Pambansang Kamao na si Sarangani Rep. Manny Pacquiao na isinilang noong Dec 17. Sa ulat ng
Startalk TX, inamin ni Gwen Zamora, isang Leo, na nagbabasa siya ng kanyang horoscope at karamihan daw sa mga nakalagay dito ay totoo. Naka-set pa nga raw ang horoscope sa kanyang cell phone. Nalito naman daw ang dating beauty queen na si Gloria Diaz nang bigla siyang maging Pisces mula sa pagiging Aries dahil sa bagong listahan. âMedyo nalito nga ako. In fact âdi ko accepted âyon," ayon kay Ms Gloria. âAt the end of the day ako pa rin ang nasusunod kung ano ang pagkatao ko," payo niya. Para naman kay Iza Calzado, mananatili siyang Leo kahit pa nadagdagan at nagbago ang mga zodiac sign. Hindi daw dapat maging malaking isyu ang pagpakakadagdag ng Ophiuchus.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sinabi naman ni Ayen Munji Laurel na hindi dapat iasa sa ibang tao ang ating kapalaran. Wala raw ibang makakaalam sa kapalaran ng tao kundi ang Diyos. âKasi yung hula galing sa tao and no one knows our future but God," bilin niya. Pananampalataya rin sa Diyos ang payo ni Julia Clarete, at iginiit na walang ibang tao ang dapat magsabi kung sino ka. Wala naman daw mawawala kung maniniwala sa mga horoscope, ayon kay Joanne Quintas. Inihayag naman ni Anjo Yllana na maaaring gamitin na reminder ang horoscope para magsikap lalo na kung may mga magagandang oportunidad na darating. âKunwari maganda ang nakalagay saâyo today, gaganahan ka ngayon baka nga dumating," paliwanag niya. Para naman kay Rhian Ramos, ang personalidad ng isang tao ay hindi nakabase sa zodiac sign. âHindi ko alam kung just because nagbago zodiac sign mo magbabago rin personality. Felling ko yung personality mo manggagaling kung ano yung itinuro saâyo ng magulang mo," ayon sa Kapuso star. -
FRJImenez, GMANews.TV