Prayers sought for ailing veteran actor Paquito Diaz
Nanawagan ang pamilya ng 73-anyos na si Paquito Diaz sa mga nagmamahal sa beteranong aktor na ipagdasal ang paggaling nito. Kasalukuyang nakaratay si Paquito (Francisco Bustillos Diaz sa tunay na buhay), sa intensive care unit (ICU) ng Estevez Memorial Hospital sa Legaspi City, Albay. Sa ulat ng GMA newsâ Saksi nitong Martes ng gabi, sinabing isinugod si Paquito sa ospital matapos itong dumaing na naninikip ang dibdib at hirap siyang huminga noong Linggo. Dahil sa maselang kondisyon ay kinailangan kabitan ng respirator ang dating aktor na may sakit na pneumonia.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Si Paquito ay itinuturing isa sa mga naging pinakasikat na kontrabida sa pelikula. Siya ang paboritong kontrabida nina dating Pangulong Joseph Estrada, at pumanaw na action king na si Fernando Poe Jr. Noong 2004 ay na-stroke ang dating aktor at kinailangang operahan. Pagkaraan nito ay lumipat na sila ng tirahan ng kanyang asawa sa Bicol. Noong 2008 ay pinarangalan si Paquito ng kanyang mga dating kasamahan sa industriya sa programang Wish Ko Lang! ng GMA 7. Sa naturang programa, surpresang binisita ni Estrada si Paquito, na nang panahong iyon ay hirap na ring makakita. Kuwento ni Estrada, sa kanyang unang pinagbidahang pelikula na Asiong Salonga, si Paquito ang kanyang naging kontrabida at pumatay sa kanyang karakter. - FRJimenez, GMA News