ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lea Michele tweets Charice is back on Glee


Charice and Michelle - larawan mula sa twitter account ni Lea Michelle
Tiyak na ang pagbabalik ng Pinay international singer na si Charice sa sikat na musical series sa US na Glee. Mismong ang star ng Glee na si Lea Michelle ang nagbalita sa mundo tungkol sa pagbabalik ni Charice sa show sa pamamagitan ng kanyang pag-tweet. “Look who's back!! @officialcharice!!! So happy!!!" nakasaad sa tweet ni Lea, na may kasama pang litrato nilang dalawa ni charice. Ginagampanan ni Lea sa Glee ang role bilang si Rachel Berry. Sa unang paglabas ni Charice sa TV series, naging markado ang kanyang role bilang si Sunshine Corazon. Idinaan din ni Charice sa kanyang pag-tweet ang kasiyahan sa ginawa ni Lea: "You're so sweet.
Charice and Anderson - larawan mula sa twitter account ni Charice
Sa naturang tweet ni Charice, naglabas din ito ng litrato kasama naman ang Glee go-star na si Darren Criss (Blaine Anderson), na isang Fil-American. Kasunod ng mga tweet nina Charice at Lea, marami sa kanilang followers ang nagtatanong kung kailan at anong episode ng TV series muling mapapanood si "Sunshine Corazon." * “ouch,can't wait to see u both! :D cc: @officialcharice," @shiragita. * "Wow! I can't wait to see you both have a duet again hehehe..." @raizen112 * "so excited to see you both!!!," @aziryam. - FRjimenez, GMA News